HINDI isyu kay Kathryn Bernardo na sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin ang mag-uumpisa ng serye nila ni Daniel Padilla na La Luna Sangre.
Ani Kathryn, sina Lloydie at Angel ang mas may karapatan na magsimula ng kuwento dahil project ito ng dalawa.
Nagpapasalamat din siya sa ibinigay na effort nina Lloydie at Angel na magtaping ng ilang araw para sa serye.
Sobrang happy si Kath sa suportang ibinigay ng dalawa at sobra ang paghanga niya sa galing ni Angel sa mga fight scene.
Challenge sa kanya ito dahil bago lang ito na gagawin niya. Nagte-training siya ngayon ng Wushu dahil marami siyang fight scenes.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro