ANIM opisyal ng Ilocos Norte Provincial government ang ipinakulong ni House Majority Leader, Rep. Rodolfo Fariñas makaraan i-contempt sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Tila inilagay sa isolation room ang anim nang i-lagay sa detention room ng seargeant at arms sa Kamara.
Kinilala ang mga opis-yal ng Ilocos Norte government na ipinakulong ni Fariñas na sina provincial treasurer’s officer Genedine Jambaro; Encarnacion Gaor, Eden Battulayan, provincial treasurer; Josephine Calajate; Pedro Agcaoili, BAC chair at Ilocos Norte Provincial Planning and Development Office head; at Evangeline Tabulog, budget officer.
Ito ay makaraan mapikon si House Majority Leader Rep. Rodolfo Fariñas sa anim na opisyal dahil sa pagtugon nila ng “dismissive answers” sa pagdinig ng Kamara kahapon.
Ayon kay Fariñas, ipinagtataka niya kung bakit hindi matandaan ng mga o-pisyal ang kanilang mga pi-nirmahan kahit ipinakita ang mga dokumento hinggil sa pagbili ng Ilocos Norte go-vernment sa mga sasak-yang nagkakahalaga ng P66.45 milyon galing sa tobacco excise tax.
Kaugnay nito, ipina-subpoena si Ilocos Norte Governor Imee Marcos para dumalo sa susunod na pagdinig at kung hindi siya da-dalo, mapipilitang ipaaresto ng Kamara.
Banggit ni Fariñas, mananatili ang anim na opisyal sa kostudiya ng Kong-reso hangga’t hindi sila ‘na-kikiisa’ sa imbestigasyon.
Isa umano sa mga ‘ipinakulong’ na babae ni Fariñas ay nainsulto matapos pagsabihan ng mambabatas na “Paiyak-iyak ka pa.”
Habang ang isa sa ipinakulong ni Fariñas ay tila nakadama ng ‘terorismo’ sa ginawa ng mambabatas kaya tuluyang hinimatay.
(JETHRO SINOCRUZ)