SINIBAK sa puwesto ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang chief of police ng Teresa PNP na si C/Insp. Richard Ganalon, makaraan mahulihan ng P200,000 halaga ng shabu ang isa niyang tauhan.
Personal na nagtungo sa Teresa PNP si Dela Rosa at sinermonan ang nadakip na si PO1 Fernan Manimbo, 33, ng Brgy. Bravo, Gen. M. Natividad, Nueva Ecija, at nakatalaga sa Drugs Enforcement Unit ng nasabing pulisya.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ni Ma-nimbo.
Nadakip si Manimbo, dakong 1:00 am kamakalawa sa Carissa-1 habang idine-deliver ang 20 plastic sachet ng shabu sa isang Jojo Paniel, alyas Tisoy, na nakatakas sa operasyon.
Kasabay nito, iniutos ni Dela Rosa kay PNP Internal Affairs Service (PNP-IAS) Insp. Gen. Atty. Alfegar Triambulo, na madaliin ang proseso ng summary dismissal proceedings laban kay Manimbo para mapatalsik sa serbisyo.
Iimbestigahan din ng pulisya ang posibilidad na “buhay pa” ang Amin Buratong drug syndicate.
Nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP) ang drug lord na si Amin Boratong, itinuturong nasa likod ng shabu tiangge sa lungsod ng Pasig.
(ED MORENO)