ARESTADO ang isang pulis na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Teresa PNP, nang maaktohan na nagbabagsak ng 100 gramo ng shabu sa Carissa 1, Brgy. Bagumbayan, sa lalawigan ng Rizal, nitong Martes.
Kinilala ni S/Supt. Albert Ocon, Rizal PNP provincial director, ang nadakip na si PO1 Fernand Manimbo, itinuturing na high value target ng Rizal PNP.
Nakuha sa suspek ang 20 transparent plastic sachet ng shabu, tinatayang 100 grams, at P200,000 ang halaga.
Nabatid mula kay S/Supt. Ocon, nahuli sa akto nang magkasanib na puwersa ng PDEA-Rizal Provincial Police, at Intelligence Unit, sa pangu-nguna ni Supt. Reydante Eriza, ang suspek habang nagbabagsak ng droga sa nabanggit na lugar.
Ikinagulat ng suspek ang pag-aresto sa kanya dahil kasama siya sa drugs operation nang nakalipas na araw.
Ang suspek, nakapiit sa detention cell ng pulisya, ay sasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5, & 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. (ED MORENO)
DRUG PUSHER
TODAS SA PULIS
PATAY ang isang hinihinalang drug pusher nang tangkaing paputukan ang mga pulis sa Oplan Galugad sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Ayon kay Navotas police chief, S/Supt. Dante Novicio, dakong 5:10 am, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa pangunguna ni S/Insp. Albert Trinidad, sa kahabaan ng Road 10, Sitio Sto. Niño, Brgy. North Bay Boulevard South, nang mapansin nila si Raymond Bandilla, sinasabing pusakal na drug pusher sa naturang lugar.
Nang lapitan ng mga ope-ratiba ang suspek, biglang naglabas ng improvised 12-gauge shotgun at tinangkang paputukan si Trinidad kaya inuna-han siyang barilin ng mga pulis, na kanyang ikinamatay. (ROMMEL SALES)
2 ARESTADO
SA BUY-BUST
SA KYUSI
INARESTO sa buy-bust ope-ration ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Cubao, Quezon City, nitong Miyerkoles.
Kinilala ang mga suspek na sina Narciso Zambales, at Wilfredo Obar, umaming gumagamit ng ilegal na droga.
Todo-tanggi si Zambales sa paratang na nagtutulak siya ng droga at iginiit na baguhan lang siya sa bisyo.
Ngunit nang tanungin si Obar kung saan siya kumukuha ng droga, inilaglag si Zambales, na agad niyang itinuro.
Si Zambales, kasama sa drugs watchlist ng pulisya, ang siyang tunay na target ng buy-bust operation.