Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
coco martin ang probinsyano

Viewers, gigil na sa Ang Probinsyano

TUMITINDI na talaga ang gigil ni Cardo Dalisay (Coco Martin) na mahuli ang mortal niyang kaaway na si Joaquin Tuazon sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil maski na bumulagta na ang mga kasamahang sina John Prats (SPO3 Jerome); John Media (Police Inspector Billy), at Michael Roy Jornales (Police Inspector Chikoy) sa bakbakan nila sa grupo ng kalaban ay talagang hindi siya tumigil sa kahahabol kay Arjo (Atayde) na nakatakas ulit.

Tanging ang heneral na kakampi ni Joaquin na si Rex Cortez ang naabutan niya dahil sugatan.

Panay naman ang paalala ni Agot Isidro bilang si Verna Syquia-Tuazon sa anak na si Joaquin na umalis na sila ng bansa dahil nararamdaman niyang malapit na siyang maitumba ni Cardo.

Premonition na ba ito kay Joaquin na malapit na siyang mamatay? Dahil ang sabi niya ay huling laban na niya kay Cardo at isa sa kanila ay mabubura na sa mundo dahil nga dalawang beses na siyang pumalpak.

Kung nanggigil si Cardo kay Joaquin ay mas lalong gigil ang manonood ng Ang Probinsyano dahil halos iisa ang komentong naririnig namin na, “hindi pa ba mamamatay si Joaquin? Ang tindi naman ng buhay n’yan?”

May katwiran din naman, dahil bakit nga ba ang tagal ng bakbakan nina Cardo at Joaquin? Pero kapag nawala naman ang mortal na kaaway ng una, eh, ano pa ang mangyayari sa kuwento? Sino ang ipapalit na matinding kalaban din na kasing-level ni Arjo?

Pero mukhang paasa ulit ang Ang Probinsyano dahil sabi nga, mahirap mamatay ang masamang damo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …