HATI ang paninindigan at opinyon ng dalawang opisyal sa minorya kung susuportahan o hindi ang nakaambang impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Tindig ni Minority Leader Danilo Suarez, naghihintay lamang siya ng kongresista na mag-eendoso sa reklamo at agad niya itong susuportahan.
“Iyong kay Ombudsman, kapag may nag-file na isang kongresista, kasi magmi-meeting na kami sa Monday I will support it I will seek the opinion of the members,” ani Suarez.
Ayon kay Suarez, sa loob nang nakalipas na anim taon ay madaling nakasuhan ang mga kritiko at kalaban sa politika ni dating Pangulong Benigno “Ninoy” Aquino III at si Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ay nasampahan ng kaso sa loob ng 24 oras.
Banggit ni Suarez, kung si CGMA ang masusunod, wala raw siyang balak na sumuporta sa impeachment kay Morales at lagi aniyang sinasabi ng dating Pangulo na “hayaan mo na lang.”
Maraming mga kongresista at senador na kinasuhan ng graft ngunit dahil alyado ng dating administrasyon ay hindi nag-prosper ang kaso sa korte.
(JETHRO SINOCRUZ)