Sunday , January 12 2025

Baby Go, big winner sa AIFFA 2017

AND baby got three!

Wagi ang mga Pinoy sa idinaos na AIFFA 2017 sa Kuching Sarawak Malaysia noong week-end!

At umani ng tagumpay si Madam Baby Go dahil dalawa ang nakuhang award ng kanyang Area (Best Actress kay Ai Ai delas Alas at Best Director kay direk Louie Ignacio), at Best Supporting Actress naman kay Ana Capri para sa Laut.

Siyam na pelikula ang sumali at 18 ang may nominasyon. Anim ang awards kabilang din ang Best Supporting Actor (Ricky Davao for  Dayang Asu received by FDCP Chairman Liza Diño Seguerra); Best Editing (Lawrence Fajardo for Imbisibol received by Bernardo Bernardo, Onyl Torres and Allen Dizon); at Special Honor Award for Lav Diaz para sa The Woman Who Left (Ang Babaeng Humayo) na tinanggap ni Ronald Arguelles.

Si Nora Aunor ang isa sa nag-abot ng karangalan sa tinalo rin niyang Lifetime Achievement Award noong 2015-kay Tan Sri Lakshmanan Krishnan. Naging presentor naman ang Best Actress para sa Sonata noong 2015 na si Cherie Gil. Nagbigay ng mensahe si Jaclyn Jose tungkol sa The Road to Cannes. Presentors din sina Benjamin Alves at Marlo Mortel. Nag-host naman sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez. At nag-perform naman with Malaysian singer and actress na si Fazura si Jason Dy.

May 38 ang delegado ng Pilipinas na hanggang ngayon ay may AIFFA 2017 fever pa including this columnist!

Mabuhay ang pelikulang Filipino!

Kabilang sa mga nakatunggali ng ating Pinoy artists at nagwagi sa ibang kategorya ay nagmula sa Malaysia, Laos, Myanmar, Vietnam, Singapore, Indonesia, Cambodia, at Thailand.

Ang mga jury naman ay mula sa Malaysia (head), Australia, Brunei, Indonesia, at Pilipinas (Raymond Red).

Kada dalawang taon   na natutuwa ang festival director nito na si Livan Tajang dahil dumarami ang mga pelikulang sumasali sa prestihiyosong festival this side of Asia.

At naganap ang pag-break sa record nila ng attendees in an event donned in cat costumes sa Guinness Book of World Records pati na ang pagkakaroon ng pinakamamabang banig o mat sa buong mundo!

Ang idol natin sa IP Man, Rouge One: A Star Wars Story, The Lost Bladesman, at Crouching Tiger Hidden Dragon na si Donnie Yen ang binigyan ng ASEAN Inspiration Award na ipinagkaloob na rin kina Michelle Yeoh (2013) at Jackie Chan (2015).

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *