MASUSING iniimbestigahan ng AFP at PNP ang pagbagsak ng military chopper na ikinamatay ng tatlong miyembro ng Philippine Air Force at ikinasugat ng isa pa, habang nagsasagawa ng rescue operation training sa Sitio Hilltop, Brgy. Sampaloc Tanay, Rizal, kamakalawa.
Ayon kay Lt. Xy-zon Me-neses, Public Affairs chief, ng 2nd Infantry Division, dakong 3:00 pm nang mangyari ang insidente habang sakay ang mga biktima ng UH-1D helicopter na nagsasagawa ng Air to Ground and Disaster Rescue Operation Training (AGOS) sa 60 military personnel ng 2ID, at 12 miyembro ng PNP mula sa Region-4A, para sa preparas-yon sa disaster rescue ope-ration.
Namatay sa insidente ang piloto at dalawang crew members, habang ang sugatang crew ay nilalapatan ng lunas sa AFP Medical Center.
Dagdag ni Meneses, sa ngayon, hindi pa nila maaa-ring banggitin ang pangalan ng biktima hangga’t hindi pa naaabisohan ang kanilang pamil-ya.
“Dito sa Camp Capinpin ang training venue. Tapos na ‘yung practical exercise nila for the day kaso nag-trouble ‘yung isang chopper nung pa-landing,” dagdag ni 1Lt Meneses.
Aniya, ang pagsasanay ay inihanda ng 2ID, Southern Luzon Command at Philippine National Police para sa iba’t ibang rescue operations. (ED MORENO)