Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Barangay & SK gusto naman gawing 5-year term (Habang paatras nang paatras ang eleksiyon)

NGANGA na naman ang sambayanan kung kailan ba talaga ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Lalo na’t isang mambabatas mula sa Bulacan — Rep. Jose Antonio “Jonat” Sy-Alvarado — ang naghain ng House Bill No. 5510 na naglalayon na muling ikansela ang Barangay at SK elections sa darating na Oktubre at ganapin na lang ito sa Mayo 2018.

Wattafak!?

Iminungkahi rin sa House bill na gawin limang-taon ang termino ng barangay officials upang maging lubos ang paglilingkod nila sa bayan.

Naku parang nakikini-kinita natin na  naglulundagan sa tuwa ang mga ‘negosyanteng’ opisyal ng barangay kapag naaprubahan ang nasabing Bill dahil extended na naman ang kanilang panunungkulan.

050617 sk brgy election vote

Lalo na ‘yung mga barangay official na may itinatagong kung ano — at parang ‘inaano’ lang ang trato sa kanilang constituents.

Mantakin ninyo, sa Maynila lang may barangay official na kung ilang dekada na e ayaw pang bumitaw sa puwesto dahil sa milyones na kobransa sa illegal terminal?!

Walang katapusan ang LIGAYA lalo ng mga barangay official na may sinasalok na malaking ganansiya mula sa mga ilegal na gawain sa nasasakop nilang barangay.

Best eksampol diyan ag isang maligayang buruka sa may Ilog Pasig!

Kung talagang kapakanan ng constituents ang layunin ng mga panukalang batas patungkol sa barangay at SK elections, aba ang unang busisiin nila kung dapat pa bang umiral ang isang barangay lalo na kung wala namang legitimate na constituents.

Dapat din nilang alamin kung ‘yung nanunungkulan na barangay officials ay doon pa nakatira sa area of jurisdiction nila o baka naman lumipat na sa mga posh condominiums or posh subdivisions dahil nagkamal nang husto sa operasyon ng mga ilegalista o mismong protektor o operator ng mga ilegal na gawain sa kanilang barangay.

Wattafak!

Napakaligayang tunay niyan!

Sabi nga ng isang balat-sibuyas na barangay official, kahit tawagin pa nila ang lahat ng santo(s) hindi matitinag ang illegal terminal malapit sa Ilog Pasig na nagbibigay ng ligaya sa kanilang mga bulsa.

Sa palagay ba ninyo, Congressman Jonat, magiging pabor sa constituents ng ganyang barangay official ang panukalang batas ninyo?!

Arayku!

NAG-UUMAPAW
ANG LATAG NG VIDEO KARERA
NI CHARITO SA MAYNILA!

050617 manila mpd

‘Yan ang nakarating na sumbong sa atin mula sa ilang residente ng Maynila!

Kahit saan sulok ng anim na distrito ng lungsod ay hindi mawawala ang latag ng demonyong makina ng video karera na ino-operate ng isang CHARITO na nagpapakilalang malakas sa kinauukulan na malapit sa kusina ng Manila Police District at Manila City hall.

Nag-uuntugan na nga raw sa rami ng butas ng latag!

Pati anila ang mga makina ng VK ng ilang pulis-Maynila ay naka-umbrella na kay Charito para hindi sila mabukayo at maabot ng CITF ni C/PNP DG BATO!

Kahit itanong pa ninyo sa INTEL BOYS ng Maynila o ‘di kaya ay kina TATA BIG BOY at TATA E-NES!

Jackpot nga raw ang mga looban at eskinita sa Parola, Baseco at Aroma sa lantarang makina ng VK na pinaglalaruan ng mga kabataan at parokyanong dilat sa bisyo ng droga!

By the way, reklamo ng kolektong boys ng ilang bossing na nakapuwesto sa iba’t ibang bidang unit ng Maynila e atrasado raw ang ‘parating’ na intelihensiya ng mga ilegalista lalo na raw ‘yung maraming naka-umbrella kay Charot ‘este Charito?!

VK pa more sa Maynila!!!

SUGAL AT DROGA
SA DAGUPAN EXT. TONDO!

SIR Jerry, reklamo ko lang ho rito sa aming lugar ang mga parokyanong manlalaro ng sugal na bookies at VK na maiingay na mga adik na magdamag naglalaro ng VK sa mga eskinita. Halos lahat ng eskinita na tagusan sa riles dito ay mayroon latag ng bookies at makina ng VK sir Jerry. Kahit epektibo ang Tokhang ng mga pulis Maynila ay may nakalulusot pa rin na mga user dahil sa hindi malamang dahilan kung bakit may hndi pa rin nahuhuling pusher ng droga lalo sa bandang riles. Bantayan ang mga gusgusing tambay pero sila raw ang mga runner at sistemador na may kinalaman sa bentahan ng droga sa Yuseco at dito sa amin sa Dagupan Ext., Tondo.

+63906407 – – – –

SANA LAGING
MAY ASEAN

ANG lawak ng inilinis ng Maynila dahil sa ASEAN, nawala ang mga natu2log sa lansangan at nagtitinda ng kung ano2ng abubot na smuggled from China. Sana palagi ganito kahit pgkatapos ng international conference dahil ‘di naman balatkayo c Digong.

– FERDINAND VENTAYEN. +63975553 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *