Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Mag-asawa, magpinsan utas sa ratrat sa San Juan

APAT katao, sinasabing nasa drug watchlist ng PNP, ang pinagbabaril at napatay ng armadong mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni S/Supt Wil-liam Segun, chief of police, ang unang napatay na mag-asawang sina Nicolas Evan Pinili, 48, Mercedes Pinili, 48, kapwa ng Brgy. Progreso ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong 10:30 pm, pinasok ng dalawang suspek ang mga biktima sa kanilang bahay at pinagbabaril.

Sa record ng pulisya, nasa drug watchlist ang mga biktima at linggohan duma-dalo sa barangay activities, makaraan sumuko sa “Oplan Tokhang.”

Samantala, binawian ng buhay ang magpinsan sina Anthony Zamora, 38, at Jonathan Madriñan, 47, kapwa ng Morales St., Brgy. Salaan, sa lungsod, makaraan pagbabarilin ng mga suspek dakong 11:05 pm.

Ayon sa ilang residente, makaraan ang ilang putok ng baril, nakita nila ang pag-alis ng 10 motorsiklo at mabilis na tumakas. (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …