Monday , December 23 2024

‘Anohan’ lang ba talaga ang inabot ng utak ni Tito “Escalera”?

KUNG walang tungkulin sa gobyerno puwede nating sabihin na so ungentleman-like ang ginawa ni Senator Tito ‘escalera’ Sotto kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

Sa gitna ng deliberasyon para sa confirmation ni Madam Judy bilang DSWD Secretary, tinanong siya ni Escalera ‘este Sotto: “In the street language, if you have children and then you are single, ang tawag dun e ‘na-ano’ lang.”

Pero sopla siya kay Madam Judy nang sagutin siya nang ganito: Senator Sotto, I teach women’s studies. We respect all kinds of families, and that includes solo parents. Thank you.”

Bwahahaha! Supalpal!

Mukhang pang-Wanbol University lang talaga itong si Mr. Tito ‘eat bulaga’ Sotto. Sorry but I hate to call you Mr. Senator, matapos mong bastusin ang isang ‘tunay na lingkod ng bayan’ na walang halong kaplastikan ang paglilingkod sa sambayanan.

Pero dahil elected government official nga, ang ipinakita niyang asal ay tila tahasang paglabag sa Republic Act 6713.

Hindi naman tayo abogado at lalong hindi judge, pero bilang isang mamamayan at isang mamamahayag, kitang-kita na “conduct unbecoming” ang ipinakitang kabastusan ni Sotto kay Madam Judith.

Sa tagal ng pagiging senador ni Sotto, wala sa kalingkingan ni Madam Judy ang performance niya sa gobyerno.

Nakahihiyang muli pang iluklok sa isang institusyon na inirerespeto ng mamamayan at kasaysayan ang isang ‘tao’ na walang respeto sa isang pamilya lalo sa isang babae (solo parent pa).

Alam ba ni Sotto na ang batayang yunit ng isang lipunan ay pamilya?! At ang mga babae ay kalahati ng buhay ng bawat nilalang?!

Ang laki ng pagkakaiba nina Madam Judy at nitong si Sotto.

Si Madam Judy na isang solo parent ay napanghahawakan ang kanyang tungkulin bilang nanay at tatay sa kanyang dalawang anak.

Si Sotto?

Kailangan pa bang litanyahin ang historikal na eskandalong kinasasangkutan niya sa disrespeto sa kababaihan?

Ilang ulit man itanggi ni Sotto, patuloy na lumilitaw kung paano siya magtrato ng babae.

Insulto ‘yan, mismo, sa kanyang asawa at mga anak na babae.

Isang tanong lang, kung ‘yung ‘na-ano’ (ano man ang ibig sabihin ni Sotto) ay may negatibong bahid kay Sotto, isang tanong lang: “Naglilinis ka ba ng iyong bakuran, Mr. Sotto?”

REACTION SA SECRET
ROOM NG PRESINTO UNO

GOOD day sir JSY, pakiparating ho sa publiko na ang sinasabing secret cell/room na nadiskubre ng CHR sa MPD PS1 ay tila nagmukhang SIKRETO dahil lamang sa BOOKSHELVES/APARADOR na ginawang pintuan ng silid na nagsilbing pansamantalang holding area dahil punong-puno na ang detention cell ng presinto. Hindi na ho sikreto ang silid dahil agad-agad nadadalaw sila ng mga kamag-anak nila pagkahuli bago gawan ng papel at ipasok sa masikip na kulungan. Matagal na ho talaga ‘yan sir na nagsimula pa noong panahon namin sa presinto uno, sa Don Bosco PCP ho nagsimula ang APARADOR na pintuan. Nagsilbing iwas-huli raw po kapag mayroong espesyal na bisita si kupitan noon, hanggang nagpagawa sila ng dating station commander ng Presinto Uno ng isang APARADOR na pintuan na ginamit rin sa silid ng dating C.O.P ng uno. Ilang hepe ang nagdaan at naupo sa presinto hanggang napalitan ni Supt. R. Domingo at tinanggal ang APARADOR na pintuan na gamit sa opisina ng C.O.P na kanyang pinalitan. Naisipan siguro nina Sir Domingo na ilipat na lamang sa tanggapan ng SAID/DEU ang APARADOR na pintuan para mapakinabangan dahil sa dami ng papeles na ginagawa ng tropa. Kaya’t bandang huli ho ay naging pintuan ng dating pasilyo patungo sa bodega na ginawang ‘secured’ temporary holding area ng mga drug suspects na nakatakda pa lamang gawan ng papel bago ipasok sa kulungan. Pakitago po ang email ko sir, nais ko lamang ho ipaalam sa inyo at sa publiko ang kuwento sa likod ng sinasabing secret room dahil tila nagmukhang sikreto lamang dahil sa pinausong aparador na pintuan ni MPD Kupitan. –

e-mail withheld … BatsSaid@……

DROGA AT SUGAL
NAMAMAYAGPAG PA
SA MAKATI!?

SIR Jerry, sumbong ko lang po ang mga di makataong pulis dito sa amin sa Makati. Mga pakitang-tao at pabibo lang sila sir mana sa kanilang amo sa city hall pero nasa paligid lamang po nila ang mga nagkalat na illegal. Gaya po sa paligid ng PCP3 Makati police Brgy. Pio D. Pilar na nagkalat ang bentahan ng shabu at puwestohan. Nasa paligid rin mga nagkalat na saklaan. Alam po ng mga pulis ni Mayora Binay ‘yan sir Jerry. Pakiparating po kay C/PNP Bato na dapat maispatan rin ang mga pulis na patong diyan. Pakitago na lang ang cp number ko sir.

+63917994 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *