Saturday , November 16 2024

Pulis itinumba sa simbahan (Sa Rizal)

PATAY si PO1 Junfil Lawas makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng isang simbahan sa Brgy. San Jose Rodriguez, Rizal. (ALEX MENDOZA)
PATAY si PO1 Junfil Lawas makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng isang simbahan sa Brgy. San Jose Rodriguez, Rizal. (ALEX MENDOZA)

PATAY ang isang pulis makaraan pagbabarilin ng hindi  nakilalang mga suspek sa labas ng isang simbahan sa Rodriguez, Rizal.

Mahigit isang linggo pa lang nakadestino sa lugar ang biktimang si PO1 Junfil Lawas.

Ayon sa mga residente, dakong 9:00 pm nitong Huwebes, nang umalingaw-ngaw ang magkakasunod na putok ng baril sa labas ng isang simbahan sa Brgy. San Jose, Rodriguez sa Rizal.

Pagkaraan, nakita nila ang nakabulagta at wala nang buhay na biktimang nakasuot ng police uniform ngunit wala na ang kanyang service firearm.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), hindi bababa sa pitong basyo ang nakuha.

Kuwento ng kasama ni Lawas na si PO3 Norman Tabugan, may dalawang lalaking nakamotorsiklo ang pumunta sa presinto at nagpatulong sa biktima.

Saglit silang umalis, at nang makabalik ng presinto, nakatanggap ng tawag si Lawas.

Sa puntong ito, pumunta siya sa simbahan,  at doon pinagbabaril ang biktima.

Dating nakatalaga sa Intelligence Branch ng Binangonan Police si Lawas.

Mahigit isang linggo pa lang nang inilipat siya sa Community Police Assistance Center ng Kasiglahan Village sa Rodriguez.  (ED MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *