Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PresDU30 umatras

SA Riyadh, Saudi Arabia, sinabi ni PRESDU30 na  iaatras  niya  ang kaniyang binitiwan na salita na maglalagay siya ng flag ng Filipinas sa Spratly’s Island na inaangkin ng China at ng iba pang Estado.

Aniya, “Because of our friendship with China and because we value your friendship, I will not go there to raise the Philippine flag.”

Mas bibigyan ngayon ng pansin ni PRESDU30 ang trade, investment at assistance with China kaysa makipagtalo sa naturang bansa nang dahil sa teritoryo.

ABU SAYAFF
MAY KASABWAT
SA BOHOL

Napag-alaman ng mga militar na may kasabwat na residente sa Bohol ang mga Abu Sayaff na dumayo doon kamakailan lang. Pinaniniwalaang plano  ng  bandidong grupo na mang-kidnap ng mga dayuhang turista sa nasabing pro-binsiya.

Tukoy na rin naman ng militar ang nasabing residente at kanila nang tinutugis sa ngayon.

Ang nasabing residente ay kinilalang si Joselito Milliora. Ayon sa kapatid ni Milliora, na si Arnolfo, isang taon nang hindi umuwi si Joselito, at noong Lunes ay biglaang dumating na may mga kasama at may dalang mahabang bagay na nakabalot.

Si Joselito Milliora at mga kasamahan niya ay  hinahanap  na  ng  mga awtoridad sa nga-yon.

DAHIL SA CONDOM
NABUKING

Sa Texas, USA, inaresto ang mag-asawang sina Juan Wang at Joseph Emery na may-ari ng isang massage parlor.

Sila ay pinaghihinalaang nagpapatakbo ng prostitusyon sa nasabing establishment.

Ang malaswang gawain ay nabuking, matapos makuha ng pulisya ang daan-daang condom na bumara sa tubo ng nasabing property, naging dahilan ang nasbaing mga condom para humina ang daloy ng tubig sa lugar.

Noong Marso pala ay nadakip na rin ang mag-asawa sa kasong prostitution at money laundering activities.

MGA KUWENTO NI MRS. OX Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …

Firing Line Robert Roque

Ang Panganib ng mga Landfill

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG tanging dahilan kung bakit tila hindi gaanong pinapansin …

PADAYON logo ni Teddy Brul

People Power revisited:
Ang kapangyarihan ng masa at dominasyon ng elitista

Ang mga larawan ay mula sa file photos ni Romeo Mariano. “KUMUSTA na, ayos pa …

YANIG ni Bong Ramos

Death penalty ibalik laban sa krimeng karumal-dumal at pandarambong sa bayan

YANIGni Bong Ramos TILA wala na yatang takot sa Diyos at sa batas ang mga …

Sipat Mat Vicencio

Pro-Sara senators ‘pipilayan’ ng Malacañang

SIPATni Mat Vicencio NGAYONG nagdeklara na si Vice President Sara Duterte na kakandidato siya sa …