NAKARANAS din pala ng pambu-bully si Sarah Lahbati kaya isa rin ito sa dahilan kaya siya nagsulat ng libro na tungkol sa mga kababaihan.
Nabanggit ni Sarah sa launching ng libro niyang True Beauty: How To Glam Your Life Inside and Out na malakas ang diskriminasyon kapag taga-Asian countries.
“There is still this discrimination in Europe especially like your Asian, iba ang trato sa ‘yo, if you’re Filipino, they think lahat ng Filipino is maid. They think lahat ng Filipinos, driver. So ganoon ang tingin sa ating lahat. So sumasakit ang ulo ko, minsan gusto kong makipag-away, but (nagpipigil ako). It happened. It’s still happened wherever I traveled and it has to stop and we need to fight back not in a rude way. We just need to fight back because may pride tayo,” pagtatapat ng aktres.
Dagdag pa, “madali naman akong makipagkaibigan, like I’m quite friendly.”
At maski na dual citizen si Sarah dahil taga-Swiss ang magulang niya ay iba pa rin ang tingin sa kanya kapag nalamang may dugo siyang Pinoy.
Marami pang tinatalakay sa librong True Beauty tulad ng passion ni Sarah bilang artista at performer, ang mga aral na natutuhan niya sa mga hamon ng buhay, at ang kanyang mga inspirasyon. Masasagot nito kung bakit nga ba larawan ng kaligayahan ngayon si Sarah.
Ano ang naging inspirasyon niya para mabuo ang librong True Beauty.
“Ever since social media happened, I guess. What social media, I became more open. Nagkaroon ako ng mga conversation with people that I don’t know. People asked me so many questions and I’ve decided to write everything in one book, everything to the fans,” pahayag pa ni Sarah.
Samantala, naikuwento rin ni Sarah ang nangyari sa bakasyon nilang mag-anak sa Switzerland na roon ipinanganak si Zion na ayon sa aktres ay ngayon lang nagkaroon ng reaksiyon ang anak sa mga nakikita niya.
“May reaksiyon na siya, before he was just a baby, so it was nice to have my parents there and Richard’s parents together for the first time out of the country, it such a nice feeling that they’re all good,” alaala ni Sarah.
Tinuruan din mag-ski si Zion kasama ang tatay ni Sarah.
Naikuwento rin nitong gusto ng sundan ni Sarah si Zion, “kung ako ang masusunod, I want to have a baby soon, but of course, I have priorities, Richard, Zion, my job, kung pagsasabayin ko lahat, mababaliw ako, so I need to take one step at a time.
“Now is the time kasi si Zion na lahat ng marinig niya or lahat ng naituro namin, pini-pick up niya sa brain niya so I need to be there for him, I need to teach him, so medyo crucial ‘tong age na ito for him (3 years old), turning 4. As he picks-up everything I teach him, so, If I’m not there, Chard is not there, medyo magugulo ang mundo ng (anak ko),” pagtatapat ni Sarah.
Sa tanong kung may planong magpakasal sina Sarah at Richard, “darating din tayo riyan. We want that for Zion, for us, will get there. We already talked about it.” Sabay hirit pa, “alangan namang ako mag-propose.”
Sa madaling sabi hindi pa nagpo-propose si Richard ng kasal sa ina ng anak niya.
Anyway, mabibili na ang True Beauty: How To Glam Your Life Inside And Out sa lahat ng National Book Store at Power books branches nationwide sa halagang Php 295.00, mula sa VRJ Books.
FACT SHEET – Reggee Bonoan