Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

PNP district director pakaang-kaang sa pansitan?

THE WHO si Philippine National Police (PNP) district director na bukod daw sa patulog-tulog sa pansitan ay supladito pa sa mga mamamahayag na nais humingi ng kanyang reaksiyon?

Ayon sa ating hunyango, noong hindi pa raw bumababa ang Estrella sa kanyang balikat o hindi pa siya nagiging Heneral ay talaga namang ubod nang sipag ni mamang pulis!

Hindi nga raw matatawaran ang sipag ni Sir, to the point na halos ‘di na siya umuuwi sa kanyang tahanan para masigurong ayos ang kanyang area of reponsibility (AOR).

Woooooooooo! Ang galing mo Sir!

Kaya naman grabe raw ang kanyang himutok sa tuwing tinatabla ang kanyang promotion para maging heneral sa pagsasabing, “Saan, saan ako nagkamali?”

Parang kanta yata iyon ha?

At nang dumating na nga ang kanyang matagal nang inaasam-asam na maging Heneral Luna! Ehek! General, ay halos maglumundag si Sir sa tuwa with matching cry-cry pa siguro?

Wahahahaha!

Pero nang maging Heneral na nga siya ay dumami na ang patayan sa kanyang nasasakupan na hindi raw naman drug related pero tila dedma lang siya?

Anyare Sir? Pakitang tao lang pala ‘yong sipag noon?

Ngak ngak ngak ngak!

Heto ha, ‘di lang natin alam kung ginagawa ni Sir ito sa lahat ng mamamahayag o sa ilan na kapag tinatawagan at tine-text daw siya para hingan ng pahayag sa nangyayaring krimen, aba’y lagi yatang tulog dahil alaws sagot.

Hanu?!

Kumbaga, si General madaling lapitan mahirap tawagan!

Bwar har har har har!

Napansin din daw ng mga kabaro natin na kung dati ay madalas ang dalaw ni Sir sa press corps, sa ngayon ay ‘di na makita ang kanyang anino at ‘di rin nagpaparamdam.

E bakit naman magpaparadam si boss tsip? Multo na ba siya?

Kayo pala e!

At saka kayo naman malay n’yo, kaya ‘di na siya nagpupunta dahil may kulane lang!

Boom panesh!

Gets n’yo na kung sino si Sir na napakasipag noong colonel pa, pero biglang nagbago?

E kasi kernel pa lang siya noon! E ngayon ‘di na siya kernel!

Hasta la Vista!

THE WHO? Scandal – ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …