Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Better Half, ipinalit sa timeslot ng The Greatest Love

LAGOT si Denise Laurel alyas Bianca na asawa ni Carlo Aquino as Marco sa teleseryeng The Better Half dahil unti-unti ng bumabalik ang alaala nito ngayong nakausap na ng aktor ang natitira niyang kamag-anak na nagtapat sa kanya ng buong pangyayari.

Nagtaka ang kaanak ni Carlo kung bakit matagal na hindi siya nagpakita at sinabi nitong nagkasakit siya at nakalimot dahil naaksidente sa sinakyan niyang kotse base sa kuwento ng kinilalang asawang si Denise.

Nagulat ang tiyahin na hindi totoo iyon dahil nag-crash ang eroplanong sinakyan nito patungong Dubai galing Maynila dahil hinatid niya ang pamangkin at sa Cebu nag-crash at hindi dahil sa kotseng sinakyan ni Carlo.

Ipinagtapat na ring iisa lang ang girlfriend at napangasawa ni Marco, si Shaina Magdayao alyas Camille bagay na tinatanong kay Carlo kung nasaan na.

Base sa trailer na ipalalabas sa Lunes, Abril 24 ay nagkita sina Carlo at Denise dahil sinundan siya nito sa probinsiya at dito na sinabi ng una na alam na niya ang lahat at niloko lang siya ng kinikilalang asawa hanggang sa nasaktan niya ang huli.

Samantala, ang The Better Half ang papalit sa timeslot ng The Greatest Love at mapapanood ang Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …