Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benepisyo sa naulila ng pinaslang na hukom lusot sa House Committee

PUMASA sa House sub-committee on judicial reforms ang panukalang paglalaan ng suporta sa naiwang asawa at anak ng hukom o mahistrado at iba pang judiciary officials na namatay habang nasa “line of duty.”

Ang House Bill 2683 ay inihain ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, upang makatulong sa pamilyang naiwan ng hukom na pinatay ng mga kriminal sa pagsusumikap na mahadlangan ang pagdinig ng kanilang kaso.

Sinabi ng mambabatas, dapat magkaroon ng counter balance sa panganib na kinakaharap ng judiciary officials.

Maging si Supreme Court (SC) Court Administrator Jose Midas Marquez ay inendoso ang panukala at nagsabing karamihan sa mga biktima ay pinatay dahil sa kanilang na-ging desisyon lalo na yaong may kaugnayan sa kaso ng ilegal na droga.

Nakapaloob sa House Bill 2683 o “Support for the Survi-ving Spouse and Children of Slain Judiciary Officials Act,” na kailangang suportahan ng estado ang mga hukom dala ng panganib na kinahaharap nila.

Kabilang dito ang mga hukom o mahistrado ng Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, regional trial court, metropolitan trial court, municipal trial court, municipal circuit trial court, shari’a district court, at shari’a circuit court.

Sa ilalim ng panukala, ang naiwang pamilya ng napatay na hukom o mahistrado ay makatatanggap ng buwanang pension at allowances na tinatanggap ng biktima, at karagdagang non-wage benefit tulad ng education scholarship sa dalawang anak ng mahistrado. (JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …