MAY isang ‘spa-kol’ na namamayagpag diyan sa Malate, Maynila.
Mukhang spa sa labas pero spa-kol sa loob na nag-aalok ng iba’t ibang uri ng ‘serbisyong’ nakakikiliti’t nagbibigay nang walang kahulilip na aliw sa kanilang mga kliyente.
Aba, daig pa raw ang bomba nukleyar na ibinagsak sa Hiroshima kapag nagsasabog ng ‘serbisyo’ ang mga inilalakong super guest therapist (SGT).
May serbisyong ‘twin slippery massage’ at mayroon pa raw Shogun spa massage.
At ang pinagkakaguluhan ng mga suki — ang “just do it quickie.”
Wattafak!?
At sa lahat umano ng serbisyong ‘yan, it will worth your peni…‘este penny.
Hanep ang marketing ng spa-kol parang Hiroshima sa bagsik ng ‘bomba nukleyar.’

Pero ang higit na nakapagtataka bakit nakalalampas ito sa metikulosong pang-amoy ng PNP at NBI at Manila city hall?
‘Sinipon’ ba sa libreng spa ang ilong ng mga protektor na nagpapakilalang taga-city hall?!
How about Manila Police District (MPD), hindi ba kayo ‘natatalsikan’ ng bomba nukleyar na gaya sa Hiroshima sa tindi ng operasyon ng spa-kol?!
Baka naman namanhid ang buong katawan ng mga lespung regular client ng sikat na spa-kol sa Malate?!
Ano sa tingin ninyo, S/Supt. Jigz Coronel?!
Aba, kung tila nabagsakan ng bomba nukleyar gaya sa Hiroshima ang mga opisyal ng Manila city hall at mga lespu ng MPD dahil para silang mga ‘inutil’ sa pagtupad ng kanilang tungkulin panahon na siguro para manghimasok ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Paging IACAT!
BAKIT PABORITO RAW
NG MPD SIBAMA PCP ANG ELIAS St.,
STA. CRUZ MAYNILA?
(Attn: MPD DD Joel Napoleon Coronel)

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com