INALMAHAN ng abogado ang paglabag sa karapatang pantao at extortion ng Quezon City Police District-District Special Operations Unit (QCPD-DSOU), sa 21 suspek na dinakip sa akusasyong cybersex sa Quezon City, kamakailan.
Ayon kay Atty. Berteni “Toto” Causing, legal counsel ng mga suspek, kinalbo ang kanyang mga kliyente ng mga pulis habang nakapiit sa QCPD-DSOU, nang labag sa kanilang kalooban.
Bago ang pagkalbo sa mga suspek na nakade-tine na pawang lalaki, hi-ningian muna sila ng tig-P2,000 para hindi sila kalbohin.
Ngunit laking gulat ng mga suspek dahil makaraan nilang magbi-gay ng pera ay isa-isa silang kinalbo at ginulpi sa naturang selda.
Balak magsampa ng administrative case ni Causing at saka isusu-nod ang criminal aspect laban kay Supt. Rogarth Campo, hepe ng nasabing unit.
Sa panayam ng HATAW kay QCPD district director, C/Supt. Guillermo Eleazar, sinabi niyang hindi sila ang nagkalbo kundi ang mga suspek mismo ang nagkalbo sa kanilang sarili gamit ang isang razor.
Mariin din niyang itinanggi na nagkaroon nang panggugulpi at extortion sa mga suspek.
(JETHRO SINOCRUZ)