Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babaeng negosyante patay sa pa-beauty (2 doktor kakasuhan)

DESIDIDO ang pamilya ni Shiryl Saturnino na kasuhan ang dalawang doktor ng The Icon Clinic, dahil sa pagkamatay ng biktima makaraan operahan nitong Linggo ng madaling-araw.

Napag-alaman, ikatlong beses nang nagtungo ang biktima sa nasa-bing pribadong klinika para sumailalim sa breast liposaction at butt surgery.

Naniniwala ang mga magulang ng biktima na sina Noli at Shirley Sa-turnino, nagkaroon ng kapabayaan at hindi naka-yanan ng kanilang 29-anyos anak ang sunod-sunod na operasyon kaya siya binawian ng buhay.

Nakatakdang kasuhan ng mag-asawang Sa-turnino sina Dr. Jose Jovito Mendiola, at Dr. Samuel Eric Yapjuangco, ng The Icon Clinic, siyang nagsagawa nang sunod-sunod na operasyon sa biktima.

Samantala, sinabi ni Eastern Police District director, Senior Supt. Romulo Sapitula, masusing iniimbestigahan ng Mandaluyong City Police ang insidente upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Ayon kay Senior Supt. Sapitula, hinihintay pa nila ang resulta ng awtopsiya na isinagawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa katawan ng biktima.

Nagbigay na ng ilang dokumento sa kanila ang The Icon Clinic, katulad ng lisensiya at permit, ngayon ay isinasailalim sa “validation” ng mga awtoridad.

Nagsumite na ng testimonya sa pulisya si Shiela-Mae Anabe Deinla, kamag-anak ng biktima, si-yang kasamang nagtu-ngo sa The Icon Clinic bago isagawa ang operas-yon.

Ang biktima ay regular na pasyente ng The Icon Clinic, at ito ang ikatlong pagkakataon na nagtungo siya sa naturang klinika upang sumailalim sa naturang procedure ngunit minalas na bina-wian ng buhay.

(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …