Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sino ang dapat dumamay sa Kadamay?

UMAASA tayo na ang krisis sa pabahay na kinasasangkutan ng National Housing Authority (NHA) at ng urban poor organization na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ay hindi mauuwi sa paglalamay.

Ito po ‘yung ginawang pag-okupa ng mga miyembro ng KADAMAY sa pabahay na proyekto ng NHA.

Socialized housing project daw po ito na ang benepisaryo ay government employees gaya ng mga pulis, sundalo at guro.

Pero nakapagtataka na matagal na pala itong nakatayo pero wala pa ring naninirahan.

Nang okupahin ng mga taga-KADAMAY ‘e saka lang nagsalita ang NHA na mayroon na raw nagmamay-aring mga pulis at teachers.

Kinokompleto lang daw ang requirements at ia-award na sa kanila.

Sa totoo lang, malaking bagay na napasok ng mga taga-KADAMAY ang nasabing housing project, Kasi nabisto na hindi tinapos ng contractor ang nasabing proyekto.

032817 NHA anakpawis kadamay

Walang inodoro, lababo at gripo ang nasabing pabahay. Ang katuwiran ng NHA, kapag may ookupa na raw ay saka nila lalagyan ng indoor, gripo at lababo.

Wattafak!

Ano klaseng proyekto ‘yan?!

Sa totoo lang, nang makita natin ‘yung hilatsa ng pabahay sa TV ‘e talagang sumakit ang dibdib ko.

Ganyan ba talaga ang itsura ng socialized housing sa bansa natin?

Ganyan po ang itsura ng mga kulungan sa ibang bansa lalo sa Amerika at sa Europa. Puwede po sa kanila ang ganyang design kasi malamig ang klima sa kanilang bansa.

Hindi po katulad dito sa ating bansa na napakainit kaya ‘yung pabahay na ‘yan talagang ang magtitiyagang tumira riyan ay ‘yung mga walang pang-upa ng bahay.

Hindi natin minamaliit ang mga kababayan natin na miyembro ng KADAMAY, pero nauunawaan po natin ang kalagayan nila. ‘Yung mga miyembro ng KADAMAY, naghahananap sila ng matitirahan. Kaya nga kahit ganyan ang itsura ng pabahay na ‘yan, gusto nilang magkaroon ng bahay na matitirhan ng pamilya nila.

Naririyan na sila at nakahanda naman silang paunlarin at pangalagaan ang unit na maipagkakaloob sa kanila, bakit hindi pa i-award ng NHA?

‘Yan raw naman ang ipinangako ni Tatay Digong sa kanilang mga maralita.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang KADAMAY ay naka-umbrella sa ANAKPAWIS, isang organisasyon na kaalyado at kahanay nina Secretary Liza Maza, Secretary Paeng Mariano at Secretary Judy Taguiwalo.

Pakiusap lang sa mga nabanggit na kalihim sa itaas, huwag na sana nilang hintayin na magkaroon pa ng ‘lamayan’ dahil sa paggigiit ng KADAMAY na ipagkaloob sa kanila ang nasabing housing project.

Palagay natin e dapat nang mamagitan lalo nina Secretary Liza Maza at Secretary Judy Taguiwalo.

Tinatawagan na rin natin ang pansin ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr., bilang itinalagang Housing Czar ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Paano ba ninyo lalapatan ng Solomonic decision ang krisis na unti-unti nang lumilitaw sa nagaganap na pag-okupa ng KADAMAY sa mga pabahay ng pamahalaan sa City of San Jose del Monte at sa Pandi, Bulacan?

Sa susunod, busisiin po natin kung sinong contractor at mga opisyal ng pamahalaan ang nagkamal sa P50-bilyon (kada taon) housing project ng dating administrasyon?!

Abangan!

ANYARE SA KASO
NG PAMAMASLANG
KAY PO1 ALFRIZ!?
(Attn: MPD DD Joel Coronel)

032817 MPD PS3

MARAMING beses na rin nating nailabas sa ating pitak ang illegal activities diyan sa ilang lugar sa Quiapo at Sta. Cruz, Maynila lalo sa lugar na pinagpaslangan sa babaeng pulis-Maynila kamakailan.

Panahon pa ni dating MPD DD General Rolly Nana ay kaliwa’t kanan na ang mga natatanggap nating reklamo at sumbong diyan sa mga prehuwisyong ilegalista at kriminal sa lugar ng Lope de Vega!

Nakapagtataka na mistulang nganga ang mga Intel operating units sa mga isyung ito, magkano ‘este ano ba ang dahilan?!

Hindi na sana umabot na pinatay ang miyembro ng MPD kung natutukan sigurong mabuti ng pulisya ang tarima ng illegal activities sa lugar na ‘yan?!

Kung nalansag nila ang mga supplier ng droga sa dulo ng Lope de Vega at naubos ang mga notoryus na birador diyan na armado ng mga baril na nagsisilbing protektor ng umiikot na ilegal na droga sa erya na ‘yan, disin sana’y hindi naging biktima si PO1 Alfriz.

Hindi ba talaga kaya ng mga Pulis-Mondragon ng PS3 ang mga tarantadong ‘yan!?

May balita na napagkamalan raw ng mga nagkalat na adik na kalugar ng napaslang na PO1 na siya ang nagnguguso sa mga kabaro kung sino ang kakalawitin at huhulihun sa lugar nila sa Lope de Vega?!

Iba talaga ang takbo ng isip ng mga notoryus na adik at kriminal.

MPD DD Gen. Joel Coronel, paimbestigahan po ninyo ang info na nakarating sa atin tungkol sa isang sikat na asset umano ng MPD HQ at PS-3 na si alias ASO.

Si alias ASO-ASO umano ang locator ng mga butas ng 1602 sa area na ‘yan. Kasapakat ni alyas Doggie ang kanyang mga utol na katropa umano ng napatay na sinabing gunman ni PO1 ALFRIZ sa kanto ng Sta Cruz kamakailan?

Sonabagan!!!

Iisang grupo raw ang mga ‘yan at konek pa sa isang antigong lespu na naka-detail sa Camp Crame na may palarga ng droga at video karera sa erya.

Alam na alam ‘yan ng dating bangketa boys ng Alvarez PCP!

Tama ba Tata MAKY P., alyas Boy Salamin?

Hihintayin pa ba ninyo na may sumunod pa kay PO1 Alfriz!?

Kilos na mga Ssir!

Hustisya para sa inyong kabaro!

REACTION SA STA.
ROSA BUSHFIRE

SIR, just want to react re: Sta. Rosa bushfire. We r very disappointed sa aming Mayor Dan Fernandez. 1st project pinturahan lang mga poste ng color n’ya na yellow, green, red. Nagmukha tuloy clown ang mga poste dto. Malayo siya sa galing ni Mayora Arlene Arcillas. Hndi naman mananalo ‘yan kung hindi dahil kay Arlene.

+639168131 – – – –

BAKIT RETRAINING LANG?

KA JERRY, ‘yun si Major Bubog Madrona ‘di dapat retraining lang. Ipadala na agad ‘yan sa Basilan. Doon kailangan tapang n’ya!

+63908682 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *