Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

13th wedding anniversary ni Ibyang kay Art, kasabay ng kasal at honeymoon kay Peter

NGAYONG araw, Marso 27 ang 13th wedding anniversary nina Sylvia Sanchez atArt Atayde pero hindi sila makakapag-selebra dahil kasalukuyang nasa Baguio City ngayon ang aktres para kunan naman ang honeymoon nila ni Nonie Buencamino sa teleseryeng The Greatest Love bilang sina Gloria at Peter.

Pero ngayong hapon din ipalalabas ang ginanap na kasal ng dalawa.

Natatawang sabi nga ni Ibyang, ”napaka-ironic ‘no? Anibersaryo namin ng asawa ko (Art), pero kasal namin ni Peter ang napapanood ngayong hapon, tapos papunta akong Baguio para kunan ang honeymoon namin.”

Mabuti na lang at masyadong supportive si papa Art kaya hindi siya nag-demand na dapat magkasama silang mag-asawa sa araw na ito para ipagdiwang ang kanilang wedding anniversary.

Tinanong namin si Ibyang kung bakit 13 years palang silang kasal gayung 27 na ang panganay nilang si Arjo Atayde.

“’Di kami nagpakasal kaagad, eh, ha, ha, ha,” tumatawang sabi ng aktres. Dagdag pa, ”mahabang kuwento, ‘pag may oras na lang, kuwento ko sa ‘yo.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …