PATAY ang isang babaeng miyembro ng Manila Police District (MPD) makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang patungo sa kanyang duty sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay habang dinadala sa Jose Reyes Memorial Medical Center, ang biktimang si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa MPD-Barbosa, at residente sa 1425 Lope de Vega St., Sta Cruz, Maynila, sakop ng Brgy. 314, Zone 31.
Ayon sa imbestigas-yon ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 10:20 pm nang naganap ang pama-maril sa panulukan ng Rizal Avenue at C.M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Maynila.
Napag-alaman, habang minamaneho ng biktima ang kanyang gray Mitsubishi Mirage G4, may conduction sticker na NP 9583, patungo sa kanyang trabaho sa MPD-PCP Barbosa, bigla si-yang dinikitan ng isang motorsiklo, at siya ay pinagbabaril ng hindi naki-lalang suspek.
Inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen.
(LEONARD BASILIO)