TULUYAN nang sinuspinde ng Bureau of Customs (BoC) ang accreditation ng Mighty Corp. para makapag-import.
Ayon kay Atty. Alvin Ebreo, head ng legal division ng BoC, epektibo kahapon, hindi na maaaring makapagpasok sa bansa ng kanilang raw materials, ang Mighty Corp.
Hindi na rin puwedeng magpasok ng kargamento ang nasabing kompanya ng sigarilyo, kahit na ito ay nasa biyahe na patungo sa Filipinas.
Depensa ni Ebreo, may nakita silang probable cause sa paglabag sa Tariffs and Customs Law ng kompanya, na kinabibi-langan ng warrant seizure and detention, na inilabas ng Customs sa Zamboanga.
Ngunit puwede pa rin aniyang maghain ng “motion for reconsideratiom” ang Mighty Corporation.
(LEONARD BASILIO)