Wednesday , April 16 2025
Law court case dismissed

Hukom kinasuhan (Nag-isyu ng TRO pabor sa Mighty Corp.)

SINAMPAHAN ng reklamong administratibo ng Bureau of Customs (BoC) ang hukom ng Manila Regional Trial Court, na nag-isyu ng temporary restraining order, na pumigil sa pagsasagawa ng raid sa mga warehouse ng Mighty Corporation.

Ang Mighty Corporation ay nahaharap sa kontrobersiya dahil sa alegasyong gumagamit ng pekeng tax stamp sa pakete ng produkto nilang mga sigarilyo.

Sa 24-pahinang reklamo, inakusahan ng BoC si Manila RTC Branch 1 Presiding Judge Tita Bughao Alisuag, ng gross ignorance of the law, at gross violation ng New Code of Judicial Conduct, dahil sa pagpabor sa Mighty Corporation.

Ayon sa reklamo, binalewala ni Judge Alisuag ang matagal nang umiiral na panuntunan, na walang hurisdiksyon ang mga regular na korte sa “seizure and forfeiture proceedings” ng BoC.

Ang reklamong administratibo ay inihain sa Tanggapan ng Court Administrator sa Korte Suprema.

Sa ilalim ng Section 202 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, ang BoC ang may exclusive jurisdiction sa lahat ng seizure at forfeiture cases.

Samantala, sinabi ni Atty. Alvin Ebreo, director ng legal service ng BoC, may iregularidad sa kautusan ng hukom dahil ang hinihingi ng Mighty Corporation, bilang paunang relief ay TRO na may bisa na 72 oras, ngunit ang inisyung TRO ng mababang hukuman ay may bisa ng hanggang 20 araw.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *