Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NORA AUNOR/SEPTEMBER 12,2012 Superstar Actress Nora Aunor during a visit to the Inquirer office in Makati City. “Thy Womb” won three awards for Mendoza at the recently concluded Venice International Film Festival. ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Guesting ni Ate Guy sa It’s Showtime, may humarang

SAAN ba talaga magi-guest si Nora Aunor, sa It’s Showtime o sa Eat Bulaga?

Sa nakaraang thanksgiving presscon ng It’s Showtime sabay na ring ipinakilala isa-isa ang 10 finalists ng Tawag ng Tanghalan na kinabibilangan nina Maricel Callo, Mary Gidget dela Llana, Pauline Agupitan, Marielle Montellano, Noven Belleza, Eumee Capile, Sam Mangubat, Carlmalone Montecido, Froilan Canlas, at Rachel Gabreza ay nabanggit sa amin ng isa sa executive ng programa na si direk Jillmer Dy na special guest bilang hurado nila si Nora bilang produkto rin ng Tawag ng Tanghalan noong 1967.

Ang saya-saya nga nina Jillmer at business head na si Ms. Merce Gonzales dahil nga mapapanood si Nora sa TNT.

At noong Miyerkoles ay nabasa namin ang post ng katotong Fernan de Guzman sa Facebook account niya na guest ang Superstar, sa Showtime o sa Eat Bulaga at sinagot pa nga namin na sa programa ng Kapamilya kasi hurado.

Noong Huwebes ay nakatanggap kami ng mensahe mula sa taga-Showtime na may humarang sa guesting ni Nora sa kanila kaya posibleng hindi na matuloy

Ang katwiran ay may ibang lakad si Nora at hindi binanggit kung saan.

Tinanong namin kung nakapagbigay na sila ng downpayment kay Nora para sana may paghahawakan sila in case na magka-problema nga tulad ng inaasahan nila pero hindi kami sinagot.

Hala! Anong nangyari kay Ate Guy?  Sa Showtime  siya um-oo tapos biglang sa Eat Bulagamapapanood?  Baka naman nalito na.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …