Sunday , April 27 2025

Nagtangkang ‘pumatay’ sa death penalty sibak kay Alvarez (Rep. Arroyo una sa listahan)

NAGPIKET ang militanteng grupong Akbayan upang kondenahin ang pag-apruba ng mababang kapulungan ng Kongreso sa pagbabalik ng parusang kamatayan, gina-nap sa kahabaan ng Katipunan Avenue, Quezon City. (ALEX MENDOZA)
NAGPIKET ang militanteng grupong Akbayan upang kondenahin ang pag-apruba ng mababang kapulungan ng Kongreso sa pagbabalik ng parusang kamatayan, gina-nap sa kahabaan ng Katipunan Avenue, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

KAHIT nailusot sa Kamara ang death penalty bill, tuloy ang sibakan blues sa mga bumoto ng “no” sa naturang panukalang batas.

Tiniyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi siya uurong sa kanyang salita na sipain sa puwesto sa Kamara, ang mga hindi umayon sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Paniniguro niya, tatanggalin bilang Deputy Speaker si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, makaraan manindigang hindi dapat ipasa ang death penalty bill.

Aalisan din ng committee chairmanship ang mga miyembro ng Makabayan bloc na sina ACT Rep. Antonio Tinio sa Public Information Committee, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa Natural Resources committee, at Gabriela Rep. Emmi de Jesus sa Poverty Alleviation committee.

Kasamang huhubaran ng posisyon sina Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa Civil Service and Professional Regulation committee, Sorsogon Rep. Evelyn Escudero sa Basic Education committee, Batanes Rep. Henedina Abad sa Government Reorganization committee, Quezon City Rep. Kit Belmonte sa Land Use committee, Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao sa People’s Participation committee, Buhay Rep. Michael Velarde Jr., sa Overseas Workers committee, Amin Rep. Sitti Djalia Hataman sa Muslim Affairs committee, at si Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato bilang miyembro ng Commission on Appointments.

(JETHRO SINOCRUZ)

ANTI-DEATH PENALTY
SOLONS HINANGAAN

PINURI ni Senator Bam Aquino ang 54 mambabatas, na bumoto kontra sa pagbabalik ng death penalty, kasabay nang pagtiyak na daraan ang panukala sa butas ng karayom sa Senado.

“Kahanga-hanga ang kanilang katapangan at ma-tibay na paninindigan laban sa death penalty,” wika ni Sen. Aquino, katatalaga lang bilang deputy minority leader.

“Nabigo man sila, hindi pa tapos ang laban dahil ina-asahan nating dadaan ang panukala sa butas ng kara-yom sa Senado,” dagdag ng senador.

Nakapasa ang panukalang ibalik ang death penalty sa Kamara, sa ikatlo at huling pagbasa makaraan makakuha ng 216 boto.

Bago rito, hinikayat ni Sen. Bam ang Senado na hayaang dumaan sa tamang proseso ang panukala.

“Kailangang dumaan sa tamang debate at tamang proseso ang panukala, at dapat mapa-kinggan ang lahat ng panig sa isyu,” wika ng senador, idinagdag na aktibong ma-kikilahok ang bagong mi-norya sa talakayan.

Dahil anim lang ang miyembro, sinabi ni Sen. Bam, hindi sapat ang boto ng minorya ngunit tiwala siyang boboto ang mga kapwa senador batay sa kanilang konsensiya.

“The minority votes clearly aren’t enough but I’m hoping there will be enough senators to vote this measure down. This should be a conscience vote and not done because of political affiliations,” giit ni Sen. Bam.

(CYNTHIA MARTIN)

About Jethro Sinocruz

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *