Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

Ex-actor na cong nagpa-cute sa guwapings na kabaro?

THE WHO si congressman na hindi yata natutuhan ang kahalagahan nang pagpipigil sa sarili kung kaya’t nakagawa siya ng eksenang ‘di kanais-nais sa madlang people.

Ayon sa ating Hunyango, open secret daw ang sex orientation ni Binibini ehek ni Ginoong Congressman dahil kabilang raw siya sa Federacion!

Si Mambabatas na berde raw ang dugo ay anak ng dating politiko rin na masasabi nating popular noong kapanahunan nila at talagang maimpluwensiya.

Kuwento sa atin, nangyari ang agaw-eksena ni congressman sa isang committee hearing nang isa-isang tinawa ang mga miyembro ng komite bilang attendance bago simulan ang pagdinig.

Tsika sa atin, nang tawagin ang pangalan ng isang congressman na artistahin ‘daw’ ang dating, aba’y bigla ba namang nagpa-cute na parang si Aiza Seguerra si congresswoman ehek congressman!

Alam n’yo ba ‘yong style ni Aiza Seguerra no’ng bata pa siya na nasa ilalim ng mukha nito ang dalawang kamay niya? Ganoon po ang ginawang pagpapa-cute ni congressman.

Anak ng Badingger-Z talaga o!

Hindi pa iyon, dahil sinabayan niya nang mabilis na pagkurap ng mga mata habang nakatitig kay artistahing congressman.

Har har har har har!

Ang kyot-kyot mo talaga!

Ang nangyari, nabigla at natulala si artista-hing congressman dahil sa ginawa sa kanya. Hindi niya kasi akalaing magagawa sa kanya iyon ng kapwa mambabatas.

Pati nga ang mga bisitang naroroon natigilan daw kasama ang iba pang mambabatas at reporters!

Akala nga raw nila magda-duck walk pa e.

Bwar har har har!

Ang nakapanghihinayang lang ay guwapito rin si Cong. Kasi rati rin siyang actor ‘e kaso nga ang puso pala niya ay isang Eba!

Woooooooooooootttt!

THE WHO? Scandal – ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …