Saturday , November 16 2024

Metro Manila paralisado sa tigil-pasada

022817 tigil pasada manila DPWH
NAGKALOOB ng libreng sakay ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pasahero sa Pedro Gil St., Ermita, Maynila, bilang tulong sa mga naapektohan ng tigil-pasada ng mga pampasaherong jeep. (BONG SON)

HALOS naparalisa ang buong Metro Manila, sa isinagawang nationwide transport strike kahapon.

Inilunsad ang transport strike ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), at iba pang transport groups, sa Metro Manila, at karatig na mga probinsiya.

Kabilang sa apektado ng tigil-pasada ng mga jeepney driver ang mga lungsod ng Quezon, Pasay, Muntinlupa, at Makati City.

Sa Muntinlupa, ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, may libreng sakay ang pamahalaang lokal sa Muntilupeños sa e-jeep, na proyekto ng lungsod.

(MANNY ALCALA)

SA CAMANAVA TIGIL-PASADA
TINAPATAN NANG LIBRENG SAKAY

022817 libre sakay camanava
LIBRENG SAKAY. Siksikan ang mga pasahero gamit ang Police mobile car ng Caloocan City sa magkakahiwalay na lugar na biyaheng Malabon-Navotas na dumadaan sa lungsod ng Caloocan. (RIC ROLDAN)

NAPAGHANDAAN ang ikinasang transport strike ng mga tsuper ng pampasaherong jeep, sa pa-ngunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), at International Transport Federation (ITF), sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Sa Caloocan City, maagang iniutos ni Mayor Oscar Malapitan ang libreng sakay gamit ang mga sasakyan ng pamahalaang lungsod at ng pulisya, maaaring sakyan ng commuters na biyaheng Letre-MCU, Sangandaan-Maypajo, MCU- R. Papa, Monumento – Trinoma, Phase 1 Bagong Silang-SM Fairview, Almar – Novaliches at Almar-SM Fierview.

Maraming sasakyan ng pamahalaang lokal ng Malabon City ang nagbi-gay ng libreng sakay para commuters na biyaheng Hulo Bayan-Letre, Lunasol-Francis–Monumento, at Tatawid–Francis–Mo-numento.

Maagang umarangkada sa Navotas City ang mga sasakyan na nagbigay ng libreng sakay sa utos ni Mayor John Rey Tiangco, upang hindi mahirapan ang kanyang mga kababayang commuters na biyaheng C4–Tangos balikan, Agora–C4 balikan, at C4–Monumento balikan.

Habang iniutos ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pagbibigay ng libreng sakay, sa pamamagitan ng malalaking trucks na biyaheng Malanday–Monumento, balikan, Malinta–Paso De Blas balikan, M. H. Del Pilar St., Malanday–Polo balikan, at Polo–Sangandaan.

Ang ikinasang nationwide tigil pasada ng mga tsuper ay upang tutulan ang planong phaseout ng mga lumang pampasaherong jeep.

Kanselado ang klase mula elementary hanggang high school sa pampubliko o pribadong paaralan sa naturang mga lungsod kahapon, habang nakaantabay ang mga tauhan ng pulisya sakaling magkaroon ng kaguluhan partikular sa Monumento, Caloocan City, na ilang miyembro ng PISTON at ITF ang nagsagawa ng kilos protesta.

(ROMMEL SALES)

SAPILITANG TIGIL-PASADA
ITINANGGI NG TRANSPORT GROUP

ITINANGGI ng transport group na Stop and Go, ang mga ulat na nangingikil sila sa mga kapwa operator at driver, na tumangging lumahok sa malawakang tigil-pasada nitong Lunes.

“Walang katotohanan iyan, 100 percent iyan na kasinungalingan na ang Stop and Go ay nango-ngoleksyon,” sinabi ni Jun Magno, presidente ng grupo, sa panayam ng  DZMM.

Una rito, inianunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nakatanggap sila ng impormasyong nangongolekta ng multa ang Stop and Go, at grupong Piston mula sa mga driver, na hindi sumali sa protesta.

“Nakakarating na po sa amin na you are preventing the other operators from plying their routes, especially po rito sa Bulacan area,” ani LTFRB Board member Atty. Aileen Lourdes Lizada sa hiwalay na panayam ng “Umagang Kay Ganda” sa ABS-CBN.

“Minumultahan po nila ng P1,000 ang mga driver na gustong bumiyahe. Huwag naman po sana.”

Babala ni Lizada, ilegal ang pagsasagawa ng tigil-pasada upang i-protesta ang plano ng LTFRB, na pag-phaseout sa mga lumang pampublikong sasakyan.

Habang idiniin ni Magno, hindi inianunsyo ng LTFRB na sa ilalim ng naturang programa ay kakailanganing magkaroon ng P7 milyon na ka-pital ang mga jeepney o-perator at driver.

Itinanggi rin niyang nakikipag-ugnayan ang LTFRB sa kanila.

Kasabay nito, hinamon niya ang ahensiya na isapubliko ang mga nilalaman ng modernization plan.

“Bakit hindi nila ibigay sa media man lang ang laman ng kanilang mo-dernization, ang mga nakapaloob doon?” sabi ni Magno.

About Manny Alcala

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *