NAIS paimbestigahan ni Speaker Pantaleon Alvarez ang sinasabing P100-milyon tangakang panunuhol sa tumestigong high-profile inmates, para bawiin ang kanilang testimonya laban kay Senadora Leila De Lima.
Ayon kay Alvarez, kailangan magkaroon ng imbestigasyon sa Kong-reso ang mga ganitong bagay, dahil seryoso ang usapin na may kinalaman sa national security.
Dapat ibilang aniya ang ginawang pagpapabawi o pagpapa-retract kay SPO3 Arthur Lascañas, na nagmukhang Joker, at nga-yon ang ulat na tangkang panunuhol sa walong inmates, para bawiin ang testimonya laban sa da-ting justice secretary.
“Ngayon, makikita natin dito na may laro pa rin ang dating administrasyon. Unang-una, involved nga rin daw sa allegations si Congresswoman Len Alonte- Naguiat, ito ay relative noong dating PAGCOR chairman yata. So alamin natin iyan, kasi malaki ang pera na naglalaro rito, talagang ginagastahan nila ito just to… ‘yung i-destablize ang gobyerno natin,” pahayag ni Alvarez sa DzMM.
Una nang itinanggi ni Biñan, Laguna Rep. Marlyn Alonte-Naguiat, ang alegasyon na kasama siya sa nag-alok ng P100-mil-yong suhol sa mga tumestigong high-profile inmates, para bawiin ang kanilang naging testimonya laban kay De Lima.
Sinabi ni Alonte-Naguiat, nagulat siya sa alegasyon, at nagtataka kung paano nasangkot ang pangalan sa usapin.
Ayon sa mambabatas, wala siyang kilala sa sino man sa mga inmates na tumestigo sa pagdinig ng House Justice Committee, kaugnay sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.
(JETHRO SINOCRUZ)