Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Field trip: Ang opisyal na ‘lakwatsa’ at ‘raket’ sa mga eskuwelahan

MAGANDA naman sana ang layunin ng mga planong field trip o camping sa bawat paaralan.

Pasyal na, educational pa, lalo na kung mga historical and government institutions ang pupuntahan na nasa Metro Manila.

Karagdagan pang kaigihan nito kung may kamalayan sa kasaysayan ng bansa at responsable ang mga gurong kasama o gumagabay sa field trip ng mga bata.

Pero ang nakaiinis dito, ‘yung papipirmahin ang mga magulang ng waiver na hindi umano sagutin ng paaralan kung ano man ang mangyari sa mga sasama sa field trip.

Wattafak!?

Katulad nang nangyari sa field trip ng Bestlink College of the Philippines. Bahagi umano ito ng National Service Training Program (NSTP) sa kolehiyo.

Ang NSTP ang ipinalit ng CHEd sa ROTC.

Ang NSTP ay may integration/immersion o community service bilang bahagi ng pagpapanday sa college students. Maganda rin ang layunin nito kung hindi gagamitin sa lakwatsa at raket.

Doon pumapasok ang ‘in bad faith’ sa mga field trip na ginagawa ng iba’t ibang paaralan.

Noong araw, mga private schools lang ang may field trip, ngayon kahit sa public schools uso na rin ito lalo kung ‘magaling dumiskarte’ ang principal.

WASAK NA WASAK ang bus ng Panda Coach Tours and Transport Inc., nang mawalan ng preno at bumangga sa poste ng koryente sa pakurbadang daan patungo sa Magnetic Hill, Peligrino Farm, Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal. Patay ang driver ng bus na si Julian Lacorda, 37, at ang 14 estudyante ng Bestlink College Novaliches na nakatakdang mag-camping sa nasabing lugar. Umabot na rin sa 22 estudyante ang grabeng sugatan at nasaktan. (ALEX MENDOZA)
WASAK NA WASAK ang bus ng Panda Coach Tours and Transport Inc., nang mawalan ng preno at bumangga sa poste ng koryente sa pakurbadang daan patungo sa Magnetic Hill, Peligrino Farm, Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal. Patay ang driver ng bus na si Julian Lacorda, 37, at ang 14 estudyante ng Bestlink College Novaliches na nakatakdang mag-camping sa nasabing lugar. Umabot na rin sa 22 estudyante ang grabeng sugatan at nasaktan. (ALEX MENDOZA)

Ang nangyari sa Bestlink College of the Philippines sa Novaliches, Quezon City, ay hindi malayong maulit sa iba pang paaralan na nagpapa-field trip.

Lalo na kung ginagawa itong raket ng mga eskuwelahan.

Mantakin ninyo, may panakot pa na hindi makapapasa ang estudyante kapag hindi sumama?!

Raket dahil, mataas ang singil pero imbes 50 students lang sa bus ginagawang 60 to 70 ang pasaherong estudyante at guardians.

At talagang nagiging overpriced lalo na kung ang inaarkilang sasakyan ‘e de-aircon nga pero mainit, mabantot at parang kakarag-karag.

Kumbaga, pintura lang ang bago pero pudpod ang gulong, brake pad at bulok ang makina.

Siyempre, hindi naman gusto ng Bestlink College na mangyari ang ganyang klase ng disgrasya sa kanilang mga estudyante.

E ‘di lalo na ng mga biktima at mga kaanak nila.

Walang tao na gustong mamatay sa isang kahindik-hindik na pamamaraan.

Pero kung babalikan ang mga paghahandang ginawa roon makikita kung sino ang mayroong malaking pananagutan sa nasabing disgrasya.

Unang-una na nga ang pagtakas sa responsibilidad ng isang paaralan sa pamamaraan ng pagpapapirma ng waiver. Doon lang, kitang-kita, na tumatanggi sa responsibilidad ang paaralan.

‘E mukhang sila mismo walang tiwala sa field trip nilang ‘yan!?

Kung field trip, ang dapat na nagpapirma ng assurance na ligtas ang kanilang mga anak ay mga magulang sa may-ari ng paaralan. Hindi ‘yung paaralan na nagpapapirma ng waiver sa mga magulang.

Baka kung isa lang ang naging biktima riyan, tuluyan nilang takasan ang kanilang responsibilidad dahil sasabihin nila pumirma sa waiver ang magulang at isolated case lang.

The best solution dito, maging creative ang mga paaralan kung paano ipakikita sa mga estudyante ang historical places na madalas puntahan ng mga field trip.

Sa panahon ngayon ng electronic world at hi-tech gadgets, madaling-madali nang gawin ‘yan sa loob ng isang school auditorium.

‘Yan naman ay kung talagang hindi raket at lakwatsa ang habol ng mga nagpapakana ng field trip na ‘yan.

DepEd Secretary Leonor Rivera and Commission on Higher Education (CHEd) Chair Patricia Licuanan, wala pa kaming naririnig sa inyo kung ano ang masasabi ninyo sa disgrasyang ito na ang mga biktima ay maaaring mga kabataang pag-asa ng kanilang pamilya.

Kumusta na po, Secretary Briones and Chairwoman Licuanan?!

Hello? Are your lines still busy?!

DDB CHAIR SEC BENJIE REYES,
NASAAN SI ASSEC ROMMEL GARCIA?

092116-ddb-benjamin-reyes

Dangerous Drug Board (DDB) Secretary Benjamin Reyes, Sir, hindi ba ninyo nami-miss si Undersecretary Rommel Garcia?!

Marami na raw po kasing nakami-miss sa kanya riyan sa DDB.

Alam ba ninyong, dumalo umano sa isang out of the country conference si USec. Garcia?!

‘Yan yata ang hilig ni USec. Garcia ang dumalo sa kung saan-saang seminar tungkol sa anti-illegal drugs… sa labas ng bansa.

At mag-extend nang kung ilang araw bago umuwi. Kaya nga hanggang ngayon nami-miss siya ng ibang taga-DDB?

Alam rin ba ninyo, Chairman Reyes na hindi pa rin daw siya nakikita sa kanyang opisina?!

Hala?!

Saan napunta si USec Garcia? Nawawala ba siya?!

Dumating na ba siya?

Totoo ba, Chairman Reyes, na halos isang buwan o higit pang hindi nagre-report si USec Garcia dahil hanggang ngayon ay naglalamyerda pa sa labas ng bansa kasama ang kanyang pamilya?

‘Yan po ay pawang katanungan lang po, Chairman Reyes.

Alam kaya ninyo kung ano ang sagot sa mga tanong na ‘yan?!

Pakisagot na nga po, Chairman Reyes para masagot na ang makukulit na tanong ng mga nagpapatanong diyan sa DDB…

Pero ito po ang finale… All expenses paid by the DDB ba ‘yang mga biyahe ni Garcia?

Isama na rin po ninyo sa sasagutin po ninyo, Chairman Reyes…

Please?!

PORSIYENTO SA OVR TICKETS
NAKATKONG SA MTPB ADMIN OFC?

090916-manila-city-hall-mtpb

SIR, reklamo lang po namin ang dalawang tila legal na fixer sa office ng admin dito sa Manila city hall, nawawala ho ‘yung porsiyento namin sa tickets ng OVR na ini-issue namin sa mga nahuhuling traffic violators. Malakas na nga po ang katayan o dukutan ng mga OVR pati po kaming pumaparehas na mga MTPB na umaasa na lamang sa porsiyento ng OVR e nakakatkong pa. Pag may tmutubos ng lisensiya o nagpapadukot ng OVR e ibubulsa agad nila. Pakitanong ho kina Madam April at Boss Jenard ang lantarang sistema ng pitsaan sa loob mismo ng aming tanggahan ehek tanggapan dito sa City Hall. Alam daw ng hepe namin ang lahat ng nangyayari pero bakit balewala lang, magkano o ano kaya po ang kanilang usapan sa biyakan, pakitago po ang aking cp # +639424176…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN

ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *