Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

HPG officer ‘di takot sa anti-scalawag ni Digong at Bato?

THE WHO ang isang police senior inspector na parang naghahamon kay Tatay Digong at kay PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa halip na magbago gustong-gusto niya na manatiling scalawag.

Sumbong sa atin ng Hunyango, nakatalaga sa PNP Highway Patrol Group-NCR si boss tsip at ang pineprehuwisyo ay mga UV express diyan sa lugar ng Buting na sakop ng Brgy. East Rembo, Makati City.

Buhay ka pa!

Prangka o sa Ingles “Frank” si senior inspector kung mag-extort kasi sinabi ba naman sa mga driver na dapat retroactive ang payolang ibibigay sa kanya pero dahil mabait daw siya kaya ‘di na niya gagawin ito.

Ang bait mo Sir!

Akalain mo may utang na loob pa sa iyo ang mga driver!

You’re so very frank!

Nabalitaan pa natin, walang patawad sa mikrobyo ehek, walang patawad daw talaga si Mamang pulis  official kasi ni ultimo barya ‘di niya pinakakawalan para makompleto ang inaasam niyang tongpats na sampung libong piso.

Kaya nga P2,250 kada linggo ang ibinibigay na lagay daw sa kanya ng mga kawawang driver na may biyaheng Antipolo-Ayala at Rosario-Ayala!

Hanep may butal pa talaga!

Ang lufet ni Sir o!

Ngak ngak ngak ngak ngak!

Nagsimula raw ang pangongotong, nang italaga ang HPG sa kahabaan ng C-5 na dinaraanan ng mga nasabing UV Express at ang nangpeprehuwisyo pa noon ay isang PO3 lamang.

E nakapa ni senior inspector ang tabakohan kaya hayun, siya na ang nanalasa sa grupo!

Kaya naman namomroblema ngayon ang mga tsuper kung paano nila bubuuin ang payolang hinihingi ni frank officer!

O laging nariyan daw talaga si Sir sa C-5!

O laging ‘di rin siya magpapalamang!

General Bato idol, Sir! Ipatrabaho mo na sa counter-intelligence si police senior inspector! Para mabawasan ang bugok na pulis sa PNP!

Hoooyahhhhhh!

THE WHO? Scandal
ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …