Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coney at apong si Nayomi nagbonding sa “My Dear Heart” rating lampas 30% na

Kahit hindi pa nagigising at nanatiling comatose si Heart (Nayomi Ramos) dahil sa congenital heart disease na labis mang nalulungkot dahil sobrang miss na ang kaniyang mga magulang na sina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) ay masaya na rin dahil madalas na nakikita, nakakausap at nakaka-bonding ng kaluluwa niya si Dra. Margaret Divinagracia na sa kabuoan ng kuwento ng “My Dear Heart” ay tunay niyang lola.

Kung dati ay super iwas si Dra. Margaret na magka-encounter sila ni Heart, ngayon sumuko na siya sa bata dahil ayon mismo sa apo ay siya ang humihila sa kaluluwa nito at siya lang ang tanging nakakikita sa kanya.

Nagpupursige ngayon ang sikat at controversial na heart surgeon (Dra. Margaret) na mapagaling si Heart lalo’t may banta na puwedeng malipat sa ibang hospital ang anak nina Jude at Clara sa ospital nina Dr. Albertus Camillus (Robert Arevalo) na mahigpit na kakompetensiya ni Dra. Margaret.

Magtagumpay kaya si Dr. Albertus at anak na si Francis na isa ring doctor sa gagawing black propaganda laban sa na-sabing doctora?

Abangan at pakatutokan sila gabi-gabi sa “My Dear Heart” pagkatapos ng ka-back to back nilang no.1 action drama series ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Gold.

Nasa 31.5% na ang nationwide ratings ng MDH.

Anak kontra sa anak nina Sara at Alex sa huling limang araw ng no.1 daytime melodrama

TV series na “Doble Kara”

Talagang mas kaabang-abang ang huling limang araw na matutunghayan ninyong episodes sa inyong favorite no. 1 daytime melodrama series na “Doble Kara” lalo’t anak kontra sa anak ngayon ang intense na tagpo sa pagitan nina Sara (Julia Montes) at contravida sa serye na si Alex (Maxene Magalona).

Porke’t patapon na ang buhay ay nagawang i-hostage ni Alex ang anak nina Kara (ginagampanan rin ni Montes) at Seb (Sam Milby) na si Isabella o Becca (Krystal Mejes).

At dahil nasa poder nila ang anak ni Alex ay gusto nang tapusin ni Sara ang laban sa pagitan nila ng babaeng ubod nang sama. Labanan ngayon ng anak sa anak. Magagawa kayang patayin ni Alex si Becca o pipiliin niyang walang masamang mangyari sa sariling anak?

Saksihan at huwag bibitiw sa huling linggo ng “Doble Kara” mula sa direksyon ng tatlong mahuhusay na Kapamilya directors na sina Trina Dayrit, Manny Palo at Jojo Saguin na napapanood araw-araw bago ang isa sa most watched na drama series sa Kapamilya Gold na “The Greatest Love” na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez as Gloria Guerrero -Alegre.

VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …