MANANATILING kong-resista si Kabayan Party-list Harry Roque habang pinag-aaralan muna ng Kamara kung papaano reresolbahin ang isyu patungkol sa pagkakasibak niya sa kanyang grupo.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Farinas, habang walang pinal na desisyon ang liderato ng House of Representatives(HOR) ay mambabatas pa rin si Roque.
Sinabi ng mambabatas, iba-iba ang “school of thought” sa isyung ito dahil may nagsasabi na ang Commission on Elections (COMELEC) ang dapat magdesisyon kung dapat sibakin sa pagka-kongresista si Roque.
Ngunit may nagsasabi na hurisdiksiyon ito ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) dahil siya ay miyembro ng 17th Congress.
(JETHRO SINOCRUZ)