NANAWAGAN kahapon ang grupo ng tobacco farmers sa Senado gayondin kay Pangulong Rodrigo Duterte, na ipasa na ang House Bill 4144 o Sin Tax Reform Act.
Paliwanag ni Mario Caba-sal, presidente ng National Federation of Tobacco Farmers Association and Cooperatives (NAFTAC), magiging patas ang kompetisyon sa merkado sa pagitan ng local manufacturers at premium brands na sigarilyo sa oras na maipasa ang naturang panukala.
“Nananawagan po kami sa ating Pangulo at sa Senado na pagbigyan ang aming hinaing na magbibigay ng garantiyang mananatili ang aming hanapbuhay. Malaki po ang aming pangamba na maaapektohan ang bentahan ng mga low grade naming mga tanim na tabako kung pareho ang tax sa low-end at high brands na sigarilyo,” arya ni Cabasal.
Ayon kay Ilocos Sur Rep. Eric Singson, isa sa mga convenor ng Northern Luzon Alliance o asosasyon ng mga mambabatas mula sa tobacco-produ-cing provinces, ang kapakanan ng local tobacco farmers ang dapat na bigyang pansin ng pamahalaan kaya inihain sa Kamara ang pag-amiyenda sa Sin Tax Law.
“The tobacco farmers’ pro-ducts are made of so many grades. If the low grade will not be sold, malulugi na sila and it will no longer profitable to plant tobacco which is a high-value crop. No such thing could equal the price of tobacco which is P90 per kilo. The corn is P12 to P20 only. Unitary taxation would make branded cigarettes using “premium” tobacco to flood the market and kill the livelihood of local farmers,” ratsada ni Singson. Tindig ni ABS Party-list Rep. Eugene De Vera, pangu-nahing may akda ng HB 4144, win-win solution ang panukala dahil naprotektahan na ang mga magsasaka natin at may P14 bilyon pang dagdag revenue ang makukuha taon-taon ng gobyerno. Sa ilalim ng HB No. 4144, tatanggalin na ang unitary tax o ang pagkakapantay-pantay na pagbubuwis sa mamahalin at mumurahing sigarilyo at ipapalit ang two tier system na ang premium brands ay P36 kada pakete ang tax habang P32 sa local brands.
(JETHRO SINOCRUZ)