Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

Congressman binutata sa plane ticket

THE WHO si Congressman na akala niya siguro lahat ng tao ay kayang bilhin ng kanyang yaman?

Tsk tsk tsk tsk tsk…

Itago na lang natin sa pangalang “Matapobreng Representative”or in short MR si Congressman dahil imbes makinig at ayusin ang reklamo sa kanya ay pakonsuwelo-de-bobong offer ang tugon nito.

Kuwento sa atin ng isang broadsheet columnist/reporter, nitong nagdaang mga araw, naprehuwisyo siya at ang kanyang mag-iina dahil sa palpak na serbisyo ng kompanyang pag-aari ni Sir, dahilan para punahin niya sa kanyang  kolum ang maling sistema ng naturang kompanya na patulog-tulog yata sa pansitan.

Parang ganito ba?

Ngork ngork ngork ngork!

Ang nangyari matapos punahin at mailathala ang masasabi nating constructive criticism ni columnist/reporter, nagkita sila sa isang forum ni Kangkongressman ehek ni congressman dahilan para kausapin niya at iparating ang pangyayari.

Aba akalain ninyong hindi pa man daw natatapos magsalita si columnist/reporter ay agad-agad tinawag ni Congressman ang staff niya at pinabibigyan siya ng round-trip plane ticket sa Hong Kong!

Ay talagang!

Cong may nagrereklamo na nangangaila-ngan ng aksiyon mo.

Hindi siya nanghihingi ng plane ticket ‘no!

Bwar har har har har har har!

Buong akala ni congressman lulusot na siya dahil sa plane ticket na inalok niya, ‘e ang kaso tinanggihan ang ibinibigay niya sabay layas sa forum si columnist/reporter na bumubula ang bibig sa galit.

Hak hak hak hak hak hak!

O napahiya ka tuloy Sir, toinks!

Sabagay talagang ganyan daw talaga ang style ni congressman, ang ipangalandakan ang kanyang pera kasi kahit kapwa niya mambabatas ay tinangka rin umano niyang suhulan ng tig-P100,000 kada isa pero ‘di pinatos ang alok.

Butata!

Kilalalanin si cong na very successful sa kanyang negosyo, ‘yon nga lang may kinakaharap na demanda sa kaanak niya dahil sa pera?

Aray, aray! Naku!

THE WHO? Scandal
ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …