BINAWI ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang nauna niyang pahayag na dalawang kongresista ang nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil tatlo pala at hindi dalawa lamang.
Pag-amin ni Speaker, nagkamali siya noon nang sabihin na dalawa lamang ang nasa lista-han ngunit tumangging muli na pangalanan kung sino ang tatlong mambabatas na sina-sabing protektor ng drug personalities.
Kasabay nito, lumambot si Alvarez sa panawagan niyang magbitiw si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa makaraan dumalo sa birthday party ng hepe nitong Linggo (Enero 22) ng gabi sa kampo crame kasama si Duterte.
Sinabi ni Alvarez, nasabi na niya ang gusto niyang sabihin at tama na iyon. Nakikiisa siya sa panawagan na bigyan ng ikalawang pagkakataon si dela Rosa.
Tindig ng opisyal, kailangan niyang magsalita paminsan-minsan kahit magkakaibigan sila at tawagan ng pansin ang kinauukulan kung nararapat katulad ng nangyaring krimen sa loob mismo ng Crame.
Sinabi ni Alvarez, ayos na sila ni dela Rosa at ang naging pagdalo niya sa birthday party ng heneral ay nagpapatunay lamang na nanatili silang magkaibigan.
Napag-usapan nila ni dela Rosa kamakalawa ng gabi ang isyu nang pagpapabitiw niya at pinayuhan niya ang PNP chief na ipagpatuloy lang ang ginagawang paglaban sa krimen.
(JETHRO SINOCRUZ)