NANAWAGAN si House Deputy Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa Senado na apurahin nila ang Sin Tax Reform Act.
Ayon kay Atienza, nabigo ang nagdaang administrasyong Aquino na matulungan at maiangat ang buhay ng tobacco farmers.
Paliwanag ng kongresista, imbes na tulungan ang industriya ng tabako nang nakalipas na admi-nistrasyon, mas pinahalagahan pa ang pagpapasa ng mga panukalang tumutugon lamang sa interest at kapakanan ng mayayamang kompanya ng sigarilyo.
Paniwala ni Atienza, kung maaaprobahan ng Senado ang panukalang batas na nauna na nilang naipasa sa Kamara bago pa man sila mag-Christmas break noong nakaraang taon, higit na ma-tutugunan nito ang pangangailangan ng lokal na tobacco farmers.
Dahil dito, suportado ni Atienza ang House Bill 4144 na inihain ni ABS Party-list Rep. Eugene Michael de Vera, nagsusulong na itaas ang buwis ng sigarilyo sa mga branded at mababang buwis para sa mga mumurahing sigarilyo o ang tinatawag na two tier tax kaysa sa umiiral ngayon na unitary tax.
“Isipin natin itong mga nagtatanim, isipin natin ang mga
nagma-manufacture [ng local] na magbabayad ng parehong excise tax doon sa mga nagma-ma-nufacture ng premium brands,” paliwanag ni Atienza.
Naunang sinabi ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, chairman ng House committee on ways and means, ang naipasang panukala ng Kamara ang siyang babalanse sa industriya ng tabako.
(JETHRO SINOCRUZ)