Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
congress kamara

Actor/congressman nagpa-raffle ng relief goods?

THE WHO ang dalawang Congressman na gumawa ng katawa-tawang bagay nitong nakaraang holiday season dahilan para maging sentro sila ng kuwentohan sa House of Representatives (HOR).

Unahin natin si actor/congressman na nag-pledge ng pa-raffle sa Christmas celebration ng media sa HOR bagay na ikinatuwa ng mga kasamahan natin sa hanapbuhay.

Kasi kahit paano makatutulong sa kasayahan ang pangako ni Sir.

Pero ang matindi, nang may manalo sa raffle at kukunin na ang ipinangako ni actor/congressman aba’y mantakin ninyo ang ibinigay ay noodles at sardinas na para bang relief goods.

What?!

Kaya naghinalang relief goods ang ibinigay ni Sir ay panahon iyon na katatapos manalasa ni typhoon “Nina” sa bansa.

Wahahahahahahahahahaha!

Grabe hagalpakan e!

Habang ‘yong nanalo sa raffle halos maiyak sa inis!

In fairness naman kay Sir nakasilid sa dalawang plastic bag  na maliit iyong mga sardinas at noodles!

Bwar har har har har!

Ang nakasasakit raw ng loob, nang sabihin ng staff ni Cong na “Pamaskong handog ng mambabatas ang noodles at mga sardinas.”

Kilatisin kung nosi-balasi si Cong na nadawit ang pangalan sa Bilibid drug trade.

Gets n’yo na?

Hik hik hik hik hik!

O gusto n’yo pa?

May isang mambabatas din na ubod talaga ng yaman as in over ang yaman niya kaya’t namigay ng iba’t ibang klase ng mamahaling tinapay sa mga reporter ng Congress bago dumating ang kapaskuhan.

Ayos galante!

Yehehehehehey!

Itago na lang natin sa pangalang Mickey Mouse si Congressman dahil Kengkoy ang arrive ng Christmas gift niya, talaga.

Kasi nang basahin ang label ng mga tinapay, expired na ‘yong karamihan! At ‘yong iba naman dalawang araw na lang mapapaso na rin!

Anak ng tinapay oo! Gusto pa yatang lasunin ang media sa House!

Wahahahahahahaha!

Buti na lang marunong magbasa ang taga-media na niregalohan kaya itinapon nila ang mamahaling tinapay sa basurahan dahil baka ma-dedo pa sila.

Bwar har har har har har!

O hayan na ‘yong dalawang mambabatas na pasaway!

Happy New year!

THE WHO? Scandal ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …