Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alessandra, ‘di totoong tinanggihan si Direk Mike de Leon

HINDI raw totoong tinanggihan ni Alessandra de Rossi na mag-audition kay Direk Mike de Leon para sa pelikulang Citizen Jake.

Nasulat kamakailan na tumanggi si Alex mag-audition kaya marami ang nag-react dahil sayang naman  dahil premyadong direktor sana ang makakatrabaho ng aktres.

Hindi naman masasabing sobrang busy ngayon ni Alessandra dahil as of now ay iisa pa lang ang project niya, ang FPJ’s Ang Probinsyano bilang nanay ni Onyok na nag-aalala dahil nawawala ang anak niya na hindi niya alam na kasama ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa pagtakas  sa bilangguan.

Sa handler ni Alex kami nagtanong na si Mac Merla ng Cornerstone Talent Management kung bakit tumanggi ang aktres?

Paliwanag ni Mac, ”hindi kami nasabihan na audition na pala ‘yun. Hindi namin alam ang material na gagawin. Hindi kami ready.”

At sobra raw talaga ang panghihinayang din ng aktres, ”oo siyempre, Mike de Leon ‘yun, grabe ang filmography niya. If nakapaghanda lang kami talaga, itutuloy namin ‘yun.”

Baka naman may ibang nakalaan para sa aktres kaya hindi siya natuloy sa pelikula ni direk Mike.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …