Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
congress kamara

Congressman napahiya sa meat ham

THE WHO si minority congressman na nakatikim ng pang-iinsulto sa isang Congress reporter, matapos niyang tablahin sa Christmas gift na kanyang ipinamahagi kamakailan.

Bulong ng ating Hunyango, nagbigay ng tig-iisang hamon si Congressman sa iilang mamamahayag bago sumapit ang Pasko na naka-beat sa House of Representatives para bang pakonsuwelo-de-bobo lang dahil sa dami ng press releases na ipinalalabas.

Ang siste, may ilang reporter daw na hindi nabigyan ng naturang processed meat kung kaya’t may mga nagtampo dahilan para hindi siya siputin ng isang mamamahayag sa patawag na Christmas party ni Congressman.

Dahil dito, tinanong ng kaibigan niyang reporter si nagtatampong mamamahayag kung bakit wala siya sa nabanggit na party at dito naikuwento nga kung bakit hindi siya sumipot sa lugar.

Sa pangyayaring iyon, ipinarating ni friendship reporter kay congressman ang sentimyento ng nagtatampong mamamahayag pero ang isinagot sa kanya ay limitado talaga ang ibinigay nilang hamon.

Pambihira naman si Cong. O! Panay ang patawag ng presscon pero para isang hamon na mumurahin lang ‘di pa nilahat!

Wahahahahahahaha!

Lumipas ang isang araw lang yata, biglang hinanap ng staff ni Congressman ang nagtatampururot na reporter at may dalang hamon para ibigay sa kanya pero sa kasawiang palad ipinabalik ang naturang pampabatang hamon!

Bwar har har har har har har!

Pahiya si Cong!

Teka muna…‘di kaya ipinabalik ang hamon dahil sa mataas na high blood niya?

Mataas na nga high blood pa!

Matapos i-just-just lang biglang kakambiyo!

Kilalanin si Cong na panay ang puna rito puna roon kahit minsan nagla-log man o mahina ang kanyang  mga pananaw tuloy pa rin kahit mag-log man ito!

Abangan sa susunod may congressman pa na mas matindi ang ginawa!

Monitor!

THE WHO? Scandal
ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …