THE WHO si Congressman na wala yata sa kanyang bokabularyo ang “utang na loob” at “respeto” kapag binaltik ‘ehek’ Ginalit mo siya?
Aya-yayayay!
Ayon sa ating Hunyango, parang tauhan lang o ‘di kaya katulong lamang kung ituring ang kanyang Lolo dahil mantakin ninyo sa pangalan niya lang tinatawag na katunog ng name na “Mininions.”
Parang ganito ba, Minions! Mininions!
‘Yan ganyan lang daw ang tawag niya kay Lolo!
What?!
Mabuti sana kung walang pakialam sa kanya ang Lolo Dear niya baka maunawaan pa natin siya kung bakit gano’n na lang ang tawag niya. Ang kaso si Lolo ang nagtiyaga at gumastos nang libo-libo para lamang maipagamot siya nang paulit-ulit noong nasa karimlan pa ang yug-to ng kanyang buhay.
Naks ang lalim! Karimlan talaga.
‘Di puwedeng kadiliman na lang?
Hak hak hak hak hak hak!
Bago raw kasi makatungtong sa Kongreso si Sir, naging matindi talaga ang kanyang nakaraan pero hindi siya sinukuan ng kanyang ‘Lolo Jose na matanda na ngunit mahal ko pa si Lolo Jose!’
Ehek ano ba?!
Kanta ‘yan e!
Yes! Ang Lolo ni Cong, ang siyang nagtiyaga at gumastos nang libo-libo noon para lamang maipagamot siya at bumalik sa tama ang na-ging miserable niyang buhay dahil sa barkada.
Palakpakan!
Pero sa hindi malamang dahilan nagkaroon daw ng gusot sina Congressman at Lolo at hayun, Minions na lang ang tawag niya ngayon sa pinagkakautangan niya ng kanyang buhay at career!
Tibay!
Gano’n, gano’n na lang talaga ‘yon?!
Itong si Congressman, siya rin ang congressman na tinukoy natin noong nakaraaang linggo na nagbunganga sa ating mga kabaro matapos na langawin ang patawag niyang pulong-balitaan kung kaya’t itinago natin siya sa pangalang “Ayos Tumalak” or in short A.T.
O ‘di ba, ang galing galing?!
Kakaiba ka Sir!
Alien?! Alien!!
Kaya nga maraming mamamahayag sa House Of Representatives (HOR) ang inis talaga kay Cong, kasi ba naman parang naging pasuweldo niya ang ating mga kabaro noong bu-ngangaan niya sila.
At balita pa, pati ilang mga kapwa niya mambabatas ay napipikon na rin sa kanya dahil panay daw kasi ang entra sa tuwing may committee hearing at wala sa hulog ang pinagsasabi?!
Har Har har har har har!
Heto ang clue, minsan na niyang inamin sa plenaryo na dati siyang @!#$%^&! bago siya naging mambabatas ng kanilang distrito.
O hayan kilala n’yo na?
Wahahahahahaha!
Monitor!
THE WHO? Scandal
ni Jethro Sinocruz