THE WHO ang isang congressman na may residue pa yata ng kanyang madilim na pinagdaanan sa buhay kung kaya’t unbecoming ang inasal sa media people na nakatalaga sa House of Representatives (HOR)?
Rekomenda ng ating hunyango, itago na lang natin sa pangalang “Ayos Tumalak”or in short A.T. si congressman dahil takata-kata ‘ehek, kataka-taka ang pagputak niya sa Media Center, nang hindi siputin ang kanyang patawag na press conference.
Boink!
Bago mangyari iyon, sumabay sa malaking issue ng Kamara ang patawag niyang pulong balitaan kung kaya’t hindi na-prioritize sa co-verage ng magigiting na mamamahayag ang congressman.
Magigiting talaga ha? Ano ‘yan may sukbit na itak?
Pero isang batikang reporter/anchormanan naman ang nakarating at nagpaliwanag na may majority caucus kasing nagaganap kung kaya’t naroroon halos lahat ng media sa pagpupulong at baka hindi makarating sa kanyang press conference.
Matapos siyang paliwanagan, umalis na si Sir Mambubutas ‘ehek Mambabatas.
Pero makalipas ang mahigit isang oras bigla ngang lumutang sa media center at saka galit na nagbubunganga sa ilang media na naroroon.
Katuwiran niya may nagsabi raw sa kanya na tuloy na ang press conference kung kaya siya bumaba ulit galing sa kanyang office, ‘e ang kaso wala pa rin ‘yong mga reporter dahil ongoing pa rin ang caucus.
Kayo naman pala e pinagod ninyo ‘yong tao.
Tablado!
Ang nangyari, nagkagulatan sa media center dahil nga ang buong akala ng ibang reporter na naiwan roon, kanselado na ang press briefing ni Cong pero ‘yun nga bigla siyang umatu-ngal sa galit!
Wahahahahahahaha!
Ang mabigat nito kinukuwestiyon niya kung bakit nag-cover ang media sa caucus sabay banggit na bawal daw kasi roon ang coverage dahil close door meeting iyon!
‘Nak ng kamote naman oo!
Bwar har har har har!
‘E ano naman ang paki mo Cong? Pasuweldo mo ba sila para mandohan kung saan sila dapat mag-cover?
Parang lumagpas ka na yata sa boundary Sir!
‘Di mo utusan ang mga mamamahayag para pasunurin sa gusto mo!
Ang tanong naman, bakit wala ka sa caucus ng majority? ‘Di ba dapat naroroon ka?
Sa totoo lang marami-rami na rin ang nabubuwisit na kapwa mambabatas ni Cong kasi ba naman kada may hearing panay ang dakdak.
Hak hak hak hak hak hak!
Babush!
THE WHO? SCANDAL – ni Jethro Sinocruz