Saturday , November 16 2024

Bagong sin tax reform act balanse at angkop — Rep. de Vera

PATAS at makatuwiran ang panukalang batas na amiyendahan o baguhin ang Sin Tax Reform Act dahil bukod sa tataas na ang koleksiyon sa buwis makatutulong pa sa kalusugan.

Ayon kay Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, chairman ng House committee on ways and means, mas angkop ang two-tier structure kaysa unitary tax system dahil depende ang koleksiyon ng buwis sa uri ng sigaril-yo na bibilhin kung kaya dapat maisulong ang House Bill (HB 4144) ni ABS party-list Rep. Eugene Michael de Vera.

“Parang imported na Mercedes-Benz at owner-type jeep, ipapantay mo ba ang kanilang excise tax na isang milyong piso pareho?” diin ni Cua.

Dagdag ni Cua, sa oras na maipatupad ang unitary tax system maraming trabahador sa tobacco companies ang matatanggal dahil sa hindi makatuwirang pagbubuwis na ipapataw sa kanilang mga kompanya sa pagpasok ng Enero sa susunod na taon.

“Ang ating layunin dito ay magkaroon ng ba-lanse para sumigla ang kabuhayan ng tobacco farmers, habang unti-unti nating pinabababa ang prevalence of smoking pero madadagdagan ang revenue ng gobyerno para sa iba’t ibang popondohan ng Kongreso,” paliwanag ni Cua na naniniwala ring nasa 4.5 milyon katao ang hihinto sa paninigarilyo dahil sa panukalang excise tax.

Sang-ayon kay House Deputy Minority Leader at Buhay Hayaang Yu-mabong (Buhay) party-list Rep. Lito Atienza sa wisdom ng proposal, huwag ipahintulot ang unitary tax dahil papatayin nito ang industriya ng tabako.

Kung magugunita, nanindigan si House Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo “Rudy”Fariñas, na dapat mas mataas na buwis ang singilin sa mga branded kaysa pipitsuging sigaril-yo.

(JETHRO SINOCRUZ)

About Jethro Sinocruz

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *