KUMAWALA na kahapon sa House Justice Committee ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Umabot sa 12 boto ang pumabor, anim ang tumutol at isa ang nag-abstain dahilan para lumusot sa nasabing komite ang death penalty para sa heinous crimes o karumal-dumal na krimen.
Kabilang sa mga kongresistang tumutol ay sina Reps. Lawrence Fortun (Agusan del Norte), Ramon Rocamora (Siquijor), Isagani Zarate (Bayan Muna), Arlene Bag-ao (Dinagat Islands), at Kit Belmonte (Quezon City).
Habang si Coop-Natco Party List Rep. Anthony Bravo ang nag-iisang nag-abstain.
Hirit ni Albay Rep. Edcel Lagman, isa sa mga kontra sa panukala, dapat pinag-aralan maigi ng Kongreso ang pag-apruba sa panukala bago ito tinapos.
Kabilang sa krimen na kasama sa panukala ay treason, piracy in general and mutiny on the high seas or in Philippine waters, qualified piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, rape, kidnapping and serious illegal detention, robbery with violence against or intimidation of persons; destructive arson, plunder, importation of dangerous drugs and/or controlled precursors and essential chemicals; sale, trading, administration, dispensation, delivery, distribution and transportation of dangerous drugs and/or controlled precursor and essential chemicals; maintenance of a den, or resort where any dangerous drug is used or sold in any form; manufacture of dangerous drugs and/or controlled precursors and essential chemicals; possession of dangerous drugs; cultivation or culture of plants classified as dangerous drugs or are sources thereof, at unlawful prescription of dangerous drugs.
Magugunitang ipinawalang-bisa ng Kamara ang death penalty noong 2006 makaraan mapatunayan sa pag-aaral na nabigo itong mahinto ang karumal-dumal na krimen.
ni JETHRO SINOCRUZ
TRAHEDYA SA PASKO — CBCP
NANAWAGAN si Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President Socrates Villegas na magsama-sama sa pagdarasal para ipakita ang pagtutol sa binabalak na panunumbalik ng parusang kamatayan.
Sinabi ng Lingayen-Dagupan Archbishop, isang maitatawag na trahedya ngayong Christmas season ang balak na pag-apruba ng Kongreso ng nasabing batas.
Isang pagkontra sa moralidad ng Simbahang Katolika ang nasabing pagpapatupad ng parusang kamatayan.
Itinakda ang misa sa 10 at 11 ng Disyembre sa nasabing diocese para mag-alay ng dasal kontra sa death penalty.
Magpapatunog ng kampana ang Simbahang Katolika sa loob ng 15 minutos sa dakong 6:00 pm simula 10-12 ng Disyembre.
At magsasagawa ng prayer rally for life sa 12 ng Disyembre Parish of St. Dominic sa San Carlos City.