KORONADAL CITY – Nasa high alert status ang tropa ng militar bunsod nang patuloy na mga banta ng pagbomba ng mga lawless group sa Central Mindanao.
Ayon kay 601st Brigade Philippine Army Commander, Col. Cirilito Subejan, nagpapatuloy ang kanilang tropa sa mahigpit na monitoring sa mga pampublikong lugar na kanilang nasasakupan
Ito ay upang mapigilan ang masamang balak ng mga armadong grupo at bilang pagpapakita ng suporta sa pulisya sa pakikipaglaban sa ilegal na droga.
Partikular na mahigpit na binabantayan ang mga pampublikong lugar gaya ng simbahan, palengke at mga mall.
Humihingi sila ng kooperasyon sa publiko na agad isumbong ang mga kahina-hinalang bagay at tao sa kanilang paligid.