HUGAS-KAMAY ang Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) at idiniing wala silang kinalaman kung paano nanakaw ng hackers ang nasa $81 milyon mula sa Bangladesh Bank (BB) account sa Federal Reserve Bank of New York.
Ayon sa RCBC, wala silang pananagutan sa kahit ano mang paraan nang pagbayad sa central bank of Bangladesh.
Sa statement na ipinalabas ni RCBC external counsel Thea Daep, hinimok niya ang Bangladesh bank na maging transparent sa pamahalaan ng Filipinas.
Hindi aniya ang RCBC ang dahilan ng milyong dolyar na pera na nanakaw lalo na’t walang kaso na isinampa laban sa kanila.
Mismong ang Bangladesh bank anila ang may pananagutan dito.
May mga lumalabas ding ulat mula sa mga Bangladeshi officials na batay sa kanilang im-bestigasyon, humingi ng tulong ang hackers mula sa insiders mismo ng nasabing banko.
Katakataka rin aniya na bigla na lang din pinigilan ng Bangladesh bank ang isinasagawang imbestigasyon.
“RCBC is not the proximate cause of the theft. They have no case against us. BB was the one that was negligent. We therefore urge BB to be transparent to the Philippine government which has done so much to help them, and show us who really stole from them,” pahayag ni Daep.