NOONG time na magkasama pa sa sikat na sitcom ang popular pretty actress at beteranong komedyante ay naikuwento ng ating informant na nagkaroon daw ng panandaliang relasyon ang dalawa.
At dahil magsiyota, may ginawa silang milagro na sabi, sa gitna raw nang pagniniig biglang may foul smell, na naamoy ang komedyante sa private part ng ka-sex. Mahilig raw kasing kumain ng tahong ng chika babes ang ating kuya kaya ‘yun ang kaniyang napala.
Nasuka raw talaga sa pagkababae ni aktres na during her time ay pinagpapantasiyan talaga ng mga kalalakihan.
Uy, last month ay nakita raw sa isang sikat na hotel sa Hong Kong si said actress na kasama ang isa sa mataas na opisyal ng gobyerno. Naka-shades pa raw para hindi makilala pero dahil idol siya ng ka-chika namin sa Hong Kong ay na-identify siya.
At positive raw na siya iyon.
Respeto na lang kay Ateh, kaya no name muna gyud!
GAYA NI MOTHER LILY, RICHARD YAP MAY HINANAKIT
DIN SA SCREENING COMMITTEE NG MMFF 2016
Hindi lang pala si Mother Lily, ang nasasaktan sa hindi pagkakapili ng Mano Po 7 sa December festival.
Maging ang lead actor ng movie na si Richard Yap ay may hinaing rin sa screening committee at na-offend raw talaga siya.
“Yeah, of course, parang I think na it’s not the right word to say. Maybe it’s a different criterion. Hindi siguro sa quality kasi hindi naman namin ginawa ito na parang basta-basta lang, gagawin mo lang.
“I think, we also put in as much quality as we can into this film, we did everything we can, ginastusan din ito nina Mother (Lily Monteverde) sa Regal, para maging authentic lahat, we even went to Taiwan. So, in terms of quality,I think, hindi naman kami talo doon.”
‘Yan pahayag ni Richard sa grand presscon ng MP7C last Tuesday.
Since siya ang pinakabida sa movie at parang siya talaga ang magdadala nito, may pressure ba on his part?
“Actually, it helps na ang gagaling ng mga kasama ko rito, so it lessens the pressure on me at saka hindi ko na masyadong iniisip basta trabaho lang. Iniisip ko lang kung ano ang ipinagagawa sa akin ni Direk (Ian Lorenos), sinusunod ko na lang.
“I just did my best to portray the role that was given to me, so hopefully, it will be good enough for the audience,” dagdag niya.
Palabas na ang Mano Po 7: Chinoy sa December 14 at positibo kaming malaki ang magiging laban nila sa takilya.
Morning teleserye, Langit Lupa sa Nov. 28 na
YESHA CAMILLE AT XIA VIGOR
FUTURE CHILD SUPERSTARS
NG KAPAMILYA NETWORK
Bihasa ang ABS-CBN pagdating sa pagbi-build-up ng mga batang artista tulad nina Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Raikko Matteo, Marco Masa, Onyok, Awra at maraming pang iba.
At ngayong 28 Nobyembre, dalawang baguhang child stars naman ang ilulusad ng Kapamilya network sa kanilang newest morning teleserye na “Langit Lupa” sa katauhan nina Yesha Camille at Xia Vigor, parehong produkto ng talent search ang dalawang bata.
Si Xia ay naging part ng No.1 action-drama series ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano” samantala bukod sa lumabas na sa ilang Kapamilya shows gaya ng Nathaniel at Hawak Kamay ay napasama sa segment ng noontime show ng ABS-CBN si Yesha.
Magtatagisan ang dalawa sa husay sa pag-arte sa kanilang serye at ito ang dapat abangan tuwing umaga sa Langit Lupa.
Pareho mang prinsesa ng kanilang mga pamilya sina Princess (Xia) at Esang (Yesha), magkaibang buhay naman ang kanilang kinagisnan. Lumaki sa marangyang pamilya ang una samantala simpleng buhay naman ang kinagisnan ng huli.
Dahil sa kanilang pagkakaiba, nagsimula sa away ang kanilang pagkakaibigan pero hindi nagtagal, nauwi rin ang dalawa sa pagiging mag-bestfriends. Ngunit sa pag tibay ng kani lang samahan, muling sasariwa ang hindi pa naghihilom na sugat ng nakaraan.
Gaya nila, naging matalik na magkaibigan din ang kanilang mga ina na sina Lala (Yam Concepcion) at Dey (Alessandra De Rossi). Sabay nilang tinupad ang kanilang mga pangarap at kalauna’y naging business partners.
Pero nang nagkaroon nang malubhang sakit si Dey, hindi nakuha ng kanyang asawang si Joey (Jason Abalos) ang sapat na halagang pampagamot mula kay Lala at asawa niyang si Ian (Patrick Garcia).
Dahil dito, naging matindi ang galit ni Joey sa mag-asawa at sinisi ang dalawa sa maagang pagkamatay ni Dey. Ngayon ngang umusbong ang pagkakaibigan sa pagitan ng kanilang mga anak, muling magkukrus ang kanilang mga landas.
Mapagbuklod kaya ng pagkakaibigan nina Esang at Princess ang kanilang mga pamilya? Maayos kaya ng kasalukuyan ang nasirang pagkakaibigan.
Kasama rin sa “Langit Lupa” sina Ellen Adarna, Tommy Esguerra, Miho Nishida, Jairus Aquino, Sharlene San Pedro, Buboy Garovillo, Viveika Ravanes, at Kitkat.
Ito ay sa direksiyon nina Carlo Po Artillaga at Myla Ajero-Gaite, kasama si Mel Del Rosario bilang creative manager, sa ilalim ng business unit na pinamumunuan ni Ruel Bayani.
Huwag palampasin ang pag-uumpisa ng friend- ship na magpapaganda sa bawat umaga ng manonood, ang “Langit Lupa,” tuwing umaga pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD sa SkyCable ch 167. Panoorin ang past episodes ng serye sa iWanTV o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
BACK TO BACK – Peter Ledesma