HINDI lang ang kahirapan ang nakahahambal sa ibinunyag ni Kerwin Espinosa sa mga pulis na nakikinabang sa operasyon ng kanyang sindikato sa ilegal na droga.
Higit sa lahat, mas kahambal-hambal ang kasalatan sa dangal at prinsipyo ng mga pulis na tumatanggap at nakikinabang, hindi lang sa illegal gambling kundi maging sa illegal drugs.
Kung hindi pa naging presidente si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi pa mabubuyangya sa publiko na sandamakmak na pulis na pala ang tongpats sa ilegal na droga.
Naramdaman natin ang bigat sa dibdib ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa nang maluha siya nang sabihin ni Senator Migz Zubiri na halos siya na lang ang pinagkakatiwalaan nila sa hanay ng pulisya.
Nangyari ‘yan sa muling pagbubukas ng Senate probe sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, sinabi ni Gen. Bato, mahirap maging heppe ng pulisya.
Aniya, “I, myself, sinasabi ko nga minsan hindi ko na alam kung sino ang pagkatiwalaan…. Like itong si Chief Inspector Espenido, (i)nilagay ko siya (r)oon as chief of police ng Albuera because buo ang paniniwala ko kahit hindi siya personally kilala.”
“Gustung-gusto ko lang ma-reform ang PNP, kasi mahal na mahal ko ang organization namin kahit ako ay hirap na hirap na,” sabi ni Dela Rosa.
Pero sa kabila ng eksasperasyon na ipinakita ni Gen. Bato, sinabi rin niya na hindi siya susuko para mareporma ang PNP.
“I will never surrender. Masasabi ko sa inyo, if you survive the board in the Academy, sa PMA, you will survive the world. Kaya ko ‘to. Hindi ko ito uurungan. Lilinisin ko ang PNP hangga’t sa makaya ko.”
Hiningi rin di Dela Rosa ang simpatiya ng publiko at sinabing unawain nila ang trabaho ng mga pulis.
“Medyo nahihirapan na rin kami. Nahihirapan na rin kami na mag-adjust dahil sa mga pangyayari. But please understand na kami po ay tao lang.”
Ngayon lang po tayo nakakita ng pulis na gaya ni Gen. Bato, malaking tao pero walang yabang sa katawan.
Sa kabila ng kapangyarihang taglay, buong kababaang-loob na inaamin ni Gen. Bato na hindi nakapagtataka sakaling matukso ang ibang pulis sa maling gawain dahil kahirapan.
Sa kabila nito, hindi niya papayagan na manatili sa serbisyo ang mga ganoong klase ng pulis.
Hindi niya hahayaang masira ang tiwala sa kaniya ni Presidente Digong.
“Hindi ako Superman, ako ay ordinaryong pulis lang. Pero since (i)nilagay ako bilang chief PNP ni Presidente, gagawin ko lahat, lilinisin natin ito, even if it costs my life.”
Kung mayroon tayong ganyang hep eng Philippine National Police (PNP), wala sigurong rason para hindi natin suportahan ang kagaya niya lalo’t nakikita natin ang kanilang ginagawa araw-araw.
Alam natin na ang problema sa ilegal na droga ay hindi simbigat ng problemang gaya ng isinisigaw ng aktibista na imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo, pero kadikit ito ngayon ng bituka ng mga mamamayang apektado nito.
May mga tulak na kaya naging tulak, ay para makalibre ng gamit.
May mga tulak na walang trabaho at ‘yun lang ang alam nilang pagkakitaan, hindi alintana na ang mga biktima nila ay lalong magiging salot ng lipunan.
May mga tulak na pulis, ‘yung ninja cops, na inire-recycle ang mga nakokompiska nilang ilegal na droga, shabu, ecstacy at iba pa.
Naging talamak na ang problemang ito, dahil sa mahabang panahon ay napabayaan ang problemang ‘yan, ayon mismo kay Gen. Bato.
Kung hindi pa nagkaroon ng isang presidente na serysosong linisin ang bansa laban sa salot na ilegal na droga, hindi pa malalantad na ganyan na kalalim ang sindikato sa loob mismo ng PNP at burukrasya.
Sana lang, maging tuloy-tuloy na ang paglilinis na ito, kahit hindi na si Pangulong Digong ang presidente.
Let’s keep our fingers crossed.
DALAWANG TONGPATS
NG ILLEGAL TERMINAL
SA MAYNILA!
Nagpalabas ng praise ‘este press release kamakailan si si ousted President Yorme Erap Estrada na lilinisin lahat ang obstruction at illegal terminal na nagdudulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Maynila.
Kaya nagbuo ng isang bagong ask force ‘este task force si Yorme Erap na binubuo ng iba’t ibang division sa city hall at Manila police.
Kapani-paniwala ang sinabi ni Erap… sana.
Ang kaso ay nagtataka lang tayo bakit ‘yang nasa paligid lang niya sa city hall na illegal terminal ay hindi niya mawalis!?
Takot ba siya o nakikinabang sila nang malaki diyan sa Lawton illegal terminal!?
Anyway, ang hindi alam ni Yorme Erap may dalawang tulisan na ang kumakamada at sumasalikwat sa lahat ng illegal ‘kolorum’ terminal sa lungsod ng Maynila.
‘Yan ay walang iba kundi sina alias TATA GAA-GO at PO2-10 JING DI!
Mayor Erap, kaya ‘wag na kayong magtaka kung bakit sandamakmak pa rin ang mga illegal ‘kolorum’ terminal sa Maynila dahil sa dalawang bugok!
‘Yan ang unahin ninyong kalusin!
REACTION SA MGA KONTRA
SA LIBING NI MARCOS
Marc0s is a great soldier and also a great president of the world. ‘Yan mga contra d nio na inisip ang nagawa nia sa bansang ito. Patay n ung tao dapat pag patay na di ba pinapatawad yan ng Diyos. Kau mga contra san ang puso nio? ‘Yan ba ang ipamamana sa kabataan ang hindi magpatawad? Hindi kau Dios. Tingnan nio mga sarili nio kung perpekto ba kau at hindi kau nagkakamali? Hoy Kiko Pangilinan ambisyoso ka! Ginagamit mo pa ang bangkay ni Marcos sa pansarili mo lang interes. Kapal mo, binoto ka namin dahil kay Sharon idol namin sya. Sunod na botohan zero ka sa amin. Bobo kang senador di sumusonod sa batas. Di ka Pilipino kz pati bangkay na winawalanghiya mo.
+639472918 – – – –
GALIT KAY KIKO
GOOD day po. Nakakatawa na nakakaasar itong cnasabi ni Pangilinan na ipahukay ang bangkay ng dating Pres. Marcos. Nababaliw na talaga ang mga dilawan kasama na rin ang nag-uudyok sa kanila na c Aquino. Itong c Pangilinan ayusin muna nya ang kanyang eye bugs at mukha cyang addict sa illegal na droga. Ito naman c aling Leni Robredo THIEF OF THE NIGHT RAW ang ginawang pagpalibing sa labi ng dating Pres. MARCOS sa LNMB na hndi raw ipinaalam in public. ‘E ung pandaraya sa nakaraang eleksyon di ba THIEF OF THE NIGHT DIN UN? Kung me delikadesa itong c Robredo mag-resign na lang cya. Hndi cya nababagay na bise pres.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap