INALMAHAN ni Deputy Speaker at Ilocos Norte Rep. Eric Singson ang hi-ling sa Supreme Court na ipahukay ang labi ni da-ting Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Para kay Singson, hindi katanggap-tanggap ang “motion for exhumation” ng grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman at tiwala siyang hindi ito papaboran ng Korte Suprema.
Banat ng mambabatas, kahit sino ay hindi matatanggap ang paghukay sa isang bangkay na nailibing na dahil sagrado ito para sa mga Fili-pino at lalong hindi matatanggap ng pamilya Marcos at ng mga tagasuporta nila.
Kasabay nito, sinabi ni Singson, hindi na dapat pang pag-awayan ang isyu ng libing ni Marcos dahil ‘di ilegal ang kanilang ginawa nang basbasan ng Supreme Court.
Sinisi ni Singson ang mga petitioner dahil hindi nila binilisan ang paghahain ng “motion for reconsideration” makaraan ibaba ang desisyon pabor sa mga Marcos.
( JETHRO SINOCRUZ )